Conversations about what learning looks like during a pandemic
Overview
30 October 2020 | 53 min and 42s
In our first episode (ever. Yay!), we talk about powerful learning experiences we've designed and experienced during the pandemic. From newly-discovered hobbies and interests to concepts and skills needed for our changing learning contexts - how has the pandemic changed the way we experience and design learning?
Transcript
Introductions and Check In
Habi Hour intro
CELINA: Nandito tayo sa isang episode ngayon ng Habi Hour kung saan may kasama tayong dalawang Learning Experience Designer mula sa Habi Education Lab. Magpapakilala muna ako. Ako si Celina, isang Learning Experience Designer at, sa kasalukuyan, isang plantita.
GERSON: Ako si Gerson, isang Learning Experience Designer at crammer.
JPAUL: Ako si JPaul, isang Learning Experience Designer at insomniac.
CELINA: Sa Habi lagi tayong nagche-check in at gagawin din natin ’yan ngayon. ‘Yong check in natin, medyo related sa isang bagay na na-experience nating lahat which is the pandemic. Kung ang pandemic na ito ay isang rollercoaster, kumusta ‘yong sakay mo?
GERSON: Tingin ko nasa pangsampung sakay na ‘ko ng rollercoaster. Paulit-ulit nang paulit-ulit. Alam mo ‘yong tipong ‘pag nasa theme park ka tapos walang pila, ‘pag tapos mong sumakay, hindi ka na bumababa? Sasabihin ng operator, ‘Isa pa, gusto mo? O, sige, isa pa!’ Feeling ko parang sobrang repetitive na siya.
JPAUL: Ako naman para siyang gano’n din, pero ibang rollercoaster everytime. So parang pagsakay ko sa isang rollercoaster, bababa ako, lilipat ng ibang rollercoaster. So may ibang rollercoaster na parang enjoy lang, pero may ibang rollercoaster na talagang mapapakapit ka eh. Tapos minsan hindi mo malalaman kung ano ‘yong kasunod.
CELINA: Ako naman, ‘pag iniisip ko, alam ninyo 'yong sa pataas ng rollercoaster? Pataas siya nang pataas tapos iniisip mo na “Ayan na! Ayan na! Malapit nang bumaba!” pero pataas pa rin siya nang pataas, hindi pa rin siya bumababa. Medyo gano’n pa ‘yong sakay ko ngayon.
Usapang pandemya, usapang pandemic. Tayong lahat magkakaiba tayo ng sakay, pero kaya tayo magkakasama dahil pag-uusapan natin particularly ano ‘yong learning experiences na naranasan natin ngayong pandemya.
What skills have you picked up during the lockdown?
CELINA: Kayo ba, ano ‘yong mga skills na na-pick up ninyo during this time? New skills or mga naaral ninyo during this time?
JPAUL: So ‘nong nagsimula ‘yong quarantine, ang daming nagbe-bake, ang daming gumagawa ng tinapay. Medyo nakisabay ako doon. Gumawa rin ako ng mga sourdough, tapos eventually ang hirap gumawa so pandesal pandesal na lang. Nag-die down ‘yong hype. Ngayon, nag-aalaga ako ng halaman. ‘Yong iba hiningi ko kay mama, ‘yong iba bagong bili. Tapos ‘yon, ni-research ko ga’no kadalas diligan, saang ilaw ilalagay, anong klaseng lupa ang okay sa kanila. Mga gano’n.
CELINA: So from baking to pagiging plantito?
JPAUL: Oo, plantatay!
GERSON: Gusto ko ‘yong plantita-plantatay evolution. Mayro’n akong isang ginagawa recently Hindi ko pa siya na-a-articulate. Susubukan ko ngayon sa kuwentuhan natin. Siyempre sa pandemic, hindi natin masyadong nakikita ‘yong mga kaibigan natin, wala tayong masyadong conversations. And ako, na-e-energize ako paminsan sa mga coversations ‘pag dating sa politics, sa current events. Alam nating nagkaro’n ng mga issue - shutdown ng ABS CBN, nawalan sila ng franchise - alam nating lumalala pa ‘yong misinformation at disinformation. Mayro’n akong ginagawa recently na tumitingin ako sa Facebook groups ng mga tao that I don’t necessarily agree with politically or ideologically. Tapos for some reason, na-cu-curious ako kung bakit gano’n sila mag-isip. Mayro’n akong gano’ng rabbithole minsan ‘pag gabi, ‘yon ‘yong ginagawa ko. Tapos nagre-research ako. Ngayon lang ako natuto ulit ng political ideologies. Bakit ba gano’n ‘yong perceptions nila about the world, social justice, etc. Medyo naging Facebook lurker ng mga communites na hindi ako sobrang nag-agree. Nase-stress ako pero very interesting ‘yong natututunan ko. I still don’t agree with them. Definitely not. Pero I’m trying to empathize. Siguro ‘yon ‘yong skill, no? Mas natututo ako mag-empathize.
What online platforms have you been using to access these learning experiences?
CELINA: Facebook ‘yong sayo, no? Kung saan mo nahahanap ‘yong communities. Balikan ko ‘yong sa’yo, JPaul. Sa’n mo naman nakukuha ‘yong info on baking ang plants?
JPAUL: ‘Yong sa baking karamihan sa YouTube ang daming tutorials. Ako talaga kapag pagluluto, gusto ko nakikita ko ‘yong process. Kunwari, ano ‘yong hitsura ng dough kapag minamasa na siya, para alam ko kung nasa tamang stage or phase ako, or kung kulang siya tubig or sa pag-knead. So gusto ko visual at video. Tapos parang nagkukuwento sila, may audio. Mas madali kong naiintindihan.
Sa plants naman, kaunti lang nakikita kong videos eh, usually mga nagkukuwento lang. So kapag mga plant care tips, ‘yong nakikita kong effective or magandang resource for me ay mga website. Mukhang mga lumang-lumang website na ito, pero dito naman pictures, step-by-step process tapos may mga naka-enumerate na tips.
CELINA: Actually nabanggit mo ‘yong sa plants. Dudugtungan ko yan. Ako naman sa Instagram ako nakakahanap. Tapos alam ninyo ‘yong parang dina-diary ng mga tao ‘yong pagiging plantita-plantatay nila? Tapos makikita mo na ‘yong tinanim nilang buto, the next few weeks biglang sasabihin nilang namatay na. Hindi nag-succeed. Natutuwa ako sa mga gano’ng kuwento. Wala, sobrang tao lang. We’re all just trying. Natutuwa ako sa real life stories.
What organized or structured learning experiences have you tried?
CELINA: ‘Pag dating sa mga organized learning experiences, halimbawa ‘yong mga webinars. Diba, ang dami ngayong libreng webinars? Mga Coursera, Udemy. Sa mga organized learning experiences, mayro’n ba kayong na-try?
GERSON: Nanood ako ng mga webinars. I think mas nagpa-participate rather than simply watching webinars. Iba ‘yong perspective ko sa webinars, mas behind the scenes siguro. Pero ‘yong tumatak, naalala ko ‘yong home learning packs na ginagawa namin. Kasi I have a 1-year-old, tapos she is currently enrolled in a preschool program so we get organized learning experiences every week. Usually kasama sa week na ‘yon, mayro’n kaming parent-teacher webinar. Mayro’n kaming small-group session na synchronous with the other toddlers. Nakakakuha kami ng course packs na mas tumatatak kasi ginagawa talaga namin. It’s something na hindi ako masyadong familiar. Hindi naman ako early childhood education expert so natutuwa ako sa activities, sa proseso, sa disensyo, sa anyo, sa iba-ibang features.
JPAUL: Ako, sadly, nitong pandemic, ilang buwan na tayo, parang hindi ako nag-participant sa kahit anong structured na learning experience. Usually, mga YouTube videos na ako lang nagco-consume. Or minsan, tayo ‘yong nandoon sa frontlines na nagbibigay ng webinar o online workshop. Pero parang wala akong maalala na ako ‘yong naging participant or nag-aral.
CELINA: Which is fine kasi it shows na iba-iba tayo ng learning style din.
Did you observe any trends in the design of learning experiences during this pandemic?
CELINA: Sa work kasi natin ‘no, babad tayo sa education sector pati sa mga workplaces and teams. May napapansin ba kayong trends sa mga available learning experiences during this pandemic?
JPAUL: ‘Yong napapansin ko sa Facebook feed ko, or baka dahil sa network ko, ang daming nag-a-advertise ng tutorials or instructional materials on web tools na interactive. Hindi mga pang-productivity lang. Mga video conferencing, office management tools, tapos binibida nila na dahil remote kayo ngayon o magkakahiwalay kayo ngayon pero kailangan ninyo pa ring i-manage ‘yong logistics ng team ninyo. Napansin kong dumami ng ads and sponsored content.
Pero ‘yong isa ko pa palang napansin, ang dami ring ang topic ay on wellness - taking care of yourself, managing anxiety, tapos may iba na very specific tulad ng “Anxiety or Wellbeing for Teachers” pero mayro’n din na generic na everyone can come. Kung gusto mo lang matuto for your personal growth, open sa’yo ‘to.
GERSON: Ako, siguro ang mas nakita kong trend is more on the learners or the community side. Marami akong mga kaibigan na dati, I wouldn’t normally call them webinar afficionados, hindi sila ‘yong mga tipong taong mahilig manood ng video o mahilig mag-engage in MOOCs or massive open online courses, pero ngayon, sila ‘yong mas bukas at minsan sila pa ‘yong mas excited. Hindi ko alam kung dahil sa network ko ito na baka puro nerd ‘yong mga kaibigan ko, pero ang dami kong mga groupchat ngayon na ‘Uy, check ninyo ‘tong webinar na ‘to! Check ninyo ‘tong online course na ‘to sobrang astig! Check ninyo ‘tong videos na ‘to sa YouTube sobrang sarap niyang pakinggan’ or podcast, etc. So ang general feeling ko, kung may access sila at mayro’n silang headspace, sobrang nagkaroon sila ng opportunity at eye opener na ‘Uy, ang dami palang learning experiences na available online.’
Isa ka pang napansin, ang daming mga talented teachers pala. I guess na-amplify ‘yong personality nila in that sense. Hindi mo kasi sila nakikita. Marami tayong friends na teachers na ‘yong way nila of facilitation or teaching, ang nakakakita lang ay ‘yong students nila in the classroom. Pero ngayon na marami sa kanilang nag-e-engage in video recording, maraming experiment sa digital means, interesting makita ‘yong personas nila. ‘Uy, magaling pala siyang mag-facilitate ng hands-on activities. Uy, nakakatawa pala siya! Mayro’n pala siyang gano’ng hidden talent sa kaniyang pag-facilitate. Uy, magaling pala siya sa graphic design, magaling pala siyang gumawa ng learning materials.’ Ito ‘yong isang surprising na nakita ko.
CELINA: Minsan kumakalat bukod sa memes, ‘yong TikTok ng mga teachers. Mayro’n nang ibang version ngayon ‘yong fruit salad. ‘Watermelon, watermelon’ may pa-TikTok dance na ‘yon. Na parang, how do you teach PE nowadays? Some teachers would post videos na, sabihin na natin ‘yong ilan diyan ay katuwaan, pero in reality, some of them might be really using TikTok to teach kung ‘yon ‘yong makakapukaw ng atensyon ng learners nila.
What deliberate design decisions do you remember making specifically because we're in a pandemic?
CELINA: ‘Yong tatanong ko na sa inyo ngayon is more about our own work in Habi. Ano naman ‘yong naaalala ninyong design decisions that you made particularly dahil nasa pandemya tayo, ganito ang gagawin natin?
GERSON: I think sa Habi, sa simula pa lang no’ng first or second week of March, kinailagan na nating mag-facilitate ng online workshops or online meetings with some of our partners. So parang nagkaro’n nga tayo ng baptism of fire of sorts. Ang dami rin sa decisions natin ay born out of experience and born out of failures - mistakes, assumptions.
Isang naiisip ko ngayon ay, kapag nagde-design ako ngayon ng LX online, because of the pandemic medyo nababawasan ‘yong laser-like focus on specfic learning outcomes and mas nagkakaro’n ako ng emphasis do’n sa connecti


