Habi Hour S4 Episode 2: When The Shoe Doesn’t Fit

September 22, 2026

Exploring what we have to learn (and unlearn!) to make all our learners feel included in a learning experience.

Just like a pair of shoes, learning experiences aren't one size fits all! In fact, there are a handful of factors you have to think about when designing one.

In this episode, we explore the design principle of "Kasya Lahat," or inclusivity; and what we have to learn (and unlearn!) so our learners all feel like they're part of the experience.

Transcript

Introductions and Check In

[Habi Hour intro]

CELINA: Nandito tayo sa isang episode ngayon ng Habi Hour kung saan may kasama tayong dalawang Learning Experience Designer mula sa Habi Education Lab. Magpapakilala muna ako. Ako si Celina, isang Learning Experience Designer at, sa kasalukuyan, isang plantita.

GERSON: Ako si Gerson, isang Learning Experience Designer at crammer.

JPAUL: Ako si JPaul, isang Learning Experience Designer at insomniac.

CELINA: Sa Habi lagi tayong nagche-check in at gagawin din natin ’yan ngayon. ‘Yong check in natin, medyo related sa isang bagay na na-experience nating lahat which is the pandemic. Kung ang pandemic na ito ay isang rollercoaster, kumusta ‘yong sakay mo?

GERSON: Tingin ko nasa pangsampung sakay na ‘ko ng rollercoaster. Paulit-ulit nang paulit-ulit. Alam mo ‘yong tipong ‘pag nasa theme park ka tapos walang pila, ‘pag tapos mong sumakay, hindi ka na bumababa? Sasabihin ng operator, ‘Isa pa, gusto mo? O, sige, isa pa!’ Feeling ko parang sobrang repetitive na siya.

JPAUL: Ako naman para siyang gano’n din, pero ibang rollercoaster everytime. So parang pagsakay ko sa isang rollercoaster, bababa ako, lilipat ng ibang rollercoaster. So may ibang rollercoaster na parang enjoy lang, pero may ibang rollercoaster na talagang mapapakapit ka eh. Tapos minsan hindi mo malalaman kung ano ‘yong kasunod.

CELINA: Ako naman, ‘pag iniisip ko, alam ninyo 'yong sa pataas ng rollercoaster? Pataas siya nang pataas tapos iniisip mo na “Ayan na! Ayan na! Malapit nang bumaba!” pero pataas pa rin siya nang pataas, hindi pa rin siya bumababa. Medyo gano’n pa ‘yong sakay ko ngayon.

Usapang pandemya, usapang pandemic. Tayong lahat magkakaiba tayo ng sakay, pero kaya tayo magkakasama dahil pag-uusapan natin particularly ano ‘yong learning experiences na naranasan natin ngayong pandemya.

WRITTEN BY