Conversations about on the power of stories, narratives and communities in keeping one’s teaching spark alive
Overview
20 November 2020 | 45 min and 35s
7 days after Typhoon Ulysses hit the Philippines, we step back and reflect on our roles as learning experience designers in championing sustainable practices and in responsibly contributing to environmental education. In this episode, we are joined by the Environmental Education (now known as Education for Sustainable Development) team of the World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines.
What does nature mean to you? What is your relationship with nature? What does it bring you? What does it ask of you? What is your move?
Transcript
Introductions and Check In
[Habi Hour Intro]
CELINA: Ano ba ang kalikasan para sa ‘yo? Ano ang ugnayan mo sa kalikasan? Ano ang binibigay nito sa iyo? Ano ang hinihingi nito sa iyo? Ano ang aksyon mo?
We recorded this episode 7 days after typhoon Ulysses hit the Philippines. In this episode, we talked about what environmental education is, its state in the Philippines, and what we educators and learning experience designers or even citizens can do especially at this time when nature is crying for our help. I’m Celina, your host for this episode of Habi Hour and I will be joined by the environmental education team of the World Wide Fund for Nature or WWF Philippines.
CELINA: So, ipapakilala ko muna sa inyo ‘yong mga guests natin. Una, kasama natin si Maye. Maye, puwede tayong mag-hello?
MAYE: Hi, good morning!
DINO: (Clapping background music) Puwede mag-ganoon?
CELINA: Wow! Ang ating nagpapalakpak. Ayan, pakilala tayo, Dino.
DINO: Hello, magandang araw sa inyong lahat!
CELINA: And kasama rin natin si Jonna.
JONNA: Hi, magandang araw!
CELINA: Ayan ang mga kasama natin ngayon na si Maye, si Dino, si Jonna ay mga miyembro ng WWF Philippines. Sila ang Environmental Education team. Para sa inyong tatlo, isang bagay na ginagawa namin sa Habi Hour or sa kahit anong workshop ng Habi actually, ay nagche-check in muna kami bago magsimula ng kuwentuhan. Ang check-in na ito ay paraan para maramdaman natin kung saan nagmumula ang bawat isa sa atin, just to have a feel na parang kumustahan kumbaga. So, para sa check-in natin ngayon, “Anong letter E ka ngayon?”
DINO: Excited! Maraming developments na nangyari sa environmental education. I’m excited to push forward ‘yong education para sa lahat.
MAYE: Ang letter E ko ay emotional. Sobrang halu-halong feelings. Ayon, excited tulad ng sabi ni Dino pero at the same time, parang siguro exhausted, kasi parang sunud-sunod nga ‘yong mga nangyayari sa atin. Hindi pa tayo naka-rise sa COVID tapos Rolly, tapos Ulysses, parang nagtambak-tambak. Medyo emotional sa mga nangyayari.
JONNA: Siguro ako ngayon ay enthusiastic. Despite what is happening, we’ve been enjoying naman ‘yong mga discoveries na nagagawa namin. Like this one, for me this is just a first time for a podcast na nag-invite sa amin at iba pang platforms na nadi-discover and nade-develop namin amidst this pandemic. So nakaka-enjoy siya in a way na at least we still get to do our advocacy kahit may mga limitations.
CELINA: Thanks Jonna. Ako rin magche-check in ako. Ang letter E ko ngayon ay eager. I am very eager kasi alam ninyo, sa totoo lang, I don’t really know much about environmental education or at least kapag pina-explain ninyo sa akin ngayon kung ano siya, wala akong mabibigay na confident na sagot. Kaya sobrang handa akong matuto from you and I am sure ‘yong listeners natin ngayon kaya nila pinindot itong link na ito is because they are ready to listen to these stories. So, thank you again for being here.
Hopefully rin Maye ‘yong mga feelings ng being emotional, feeling exhausted, hopefully this podcast become some kind of rest for us para mailabas natin ‘yong mga nararamadaman but at the same time we’re sharing what we know with the people who are listening.
What does WWF Philippines do?
CELINA: But before we jump into talking about environmental education, can you tell us first about your organization, WWF Philippines. Sino kayo and what do you do?
MAYE: Ang WWF, ang ibig sabihin niya ay Worl Wide Fund for Nature. Noong nagsimula siya nang 1960s, when it was founded, ang original na pangalan niya ay World Wildlife Fund. Kasi parang goal talaga ng mga founders ay maprotektahan ang iba’t-ibang species lalo na ang mga nanganganib nang maubos parang gusto nilang maprotektahan ang mga ganitong mga hayop, mga halaman pero na-realize nila that if you wanted to take care of these species, kailangan mong tignan din ‘yong kanilang habitat and taking care of their habitat that would mean dealing with different issues like climate change, waste, energy, ‘yong consumption natin, water. So, parang ‘yong bagong pangalan is embracing this greater mandate na hindi lang dapat magfocus dito pero lahat ng aspeto na nakakonekta ay dapat din bigyan ng pansin.
DINO: Dito sa Philippines mostly ang projects are based on doon sa sites. Tulad ng Donsol for the whale sharks, eco-tourism ng mga whale sharks. Also sa Mindoro for the tamaraws, kasi endemic species meaning dito lang sa Pilipinas matatagpuan. There’s also project sites in Davao, and Siargao rin dahil sa renewable energies pala tapos sa Davao ‘yong Plastic Smart Cities. Tapos sa amin, sa education usually ang target namin talaga is the schools, the communities. Isang pinakamalaking project namin for the past 2 years, is the Our Cities, ibig sabihin, we are trying to develop sustainable cities na kasi kumbaga ‘yong lungsod talaga ang sentro ng carbon emission eh. So, doon tayo magconcentrate rin kasi we can not expect na ‘yong mga nasa lugar na konti lang naman ang kanilang emission na magsabi na bawasan ninyo ang carbon emissions ninyo. The same way na ang Pilipinas in general is not really malaking carbon emitting country, pero we feel it the most. At least doon tayo mag-concentrate doon sa mga malalaking sa talaga would make really a difference.
What is environmental education?
CELINA: Ano ba ang environmetal education at bakit ito mahalaga?
MAYE: ‘Yong formal siguro na definition, babasahin ko no, environmental education is a learning process that increases people’s knowledge and awareness about the environment and associated challenges, develops necessary skills and expertise to address the challenges and fosters attitudes, motivations and commitments to make and form decisions and take responsible action. So, ‘yong mga highlights natin diyan process, isa sa siyang proseso. ‘yong mga objectives niya ‘yong knowledge, awareness, pagdevelop ng skills, attitudes at saka siyempre ang pagtake ng responsible action, Itong definition na ito medyo luma na siya pero ito pa rin ang nakikita natin madalas sa mga references natin. Pero prior to that kasi iba iba nga rin ang definition or intindi ng mga tao tungkol sa environmental education depende rin sa kung saan pinanggagalingan.
Kunwari kung scientist ka, siyempre mas gusto mo ‘yong mga content, pag sa academe naman dapat ‘yong strategies kailangan pag-usapan din. Mayroon naman iba na sinasabi kapag environmetal education dapat outdoors, so kung nasa classroom hindi siya counted. So, iba iba ‘yong konsepto ng environmental education. Pero nung nagsamasama ang mga world leaders natin, ito ang parang napagkasunduan, ito ang happy lahat, ito ang medyo ginagamit natin at ginagawa nating basehan sa pag-push forward ng environmetal education.
Is there an ideal way to teach environmental education?
CELINA: Mayroon bang ideal way to design it?
MAYE: Sa amin, sa EE mayroon kaming parang sina-strive na ma-fulfill na dimensions ng environmental education. Kunwari may tatlo – head, heart and hands. So ‘pag sinabi nating head, ito ‘yong learning about the environment. Ang focus nito ito ‘yong facts, research, content. Kapag sinabi naman nating heart dimension, it is learning with and through environment so ang focus naman nito ay ‘yong developing personal meaning or may personal connection sa environment and then ‘yong hand aspect is learning for the environment, so nandito naman ‘yong mga skills, action at pagcampaign. So tuwing mayroon kaming pagkakataon na makapagturo gusto namin sana mabigyan ng pansin ang tatlong dimensions na ito. Kung may chance kami to bring the participants outdoors siyempre.
Ayon ang pinaka-ideal, pero kung hindi naman gusto lang namin na mayroon silang chance na ma-realize kung gaano kaganda ‘yong nature, kung gaano kasaya na maging connected ka sa nature bago pa na maturuan namin sila kung ano ang mga terms na ito, kung ano ang mga facts about for example biodiversity, ano ba ang mga facts about whale shark pero bago ‘yong facts na ‘yon “Wow, ang ganda pala ng whale shark!” parang may ganoong aspeto sana tapos “Paano natin aalagaan ‘yong whaleshark?”
CELINA: May wonder!
MAYE: So, ganoon ‘yong parang gusto namin na mga elemento na sana nandoon sa mga modules namin.
DINO: Actually ako naman ‘yong tingin ko diyan is, we bring them to the place lalo na kung nasa urban areas ka napakadetach mo sa nature and one of our introductions nga ‘pag sinabing World Wide Fund for Nature, “What comes into your mind when you talk about nature?” parang ito ang check in kaso lang ito tatanungin lang namin kung ano ang nature para sa inyo, kadalasan sasabihin nila, karagatan, kabundukan, kagubatan ganyan, nakakalimutan nila na part sila ng nature kasi nga dahil nasa urban area feeling mo napaka separated mo from nature but kahit na nasa concrete jungle you’re still part of that ecosystem, you’re still part of nature. So, what we are trying to do parang dadalhin mo sila sa areas na ‘yon at the same time show the connectiion na what you do na kahit malayo ka sa dagat, kahit malayo ka sa kabundukan ‘yong ginagawang mong actions affects everything along the way papunta doon, hindi lang ‘yong kunwari hindi lang ‘yong estero sa tabi kundi pati ang mga ilog tas eventually ‘yong karagatan pati ang mga hayop.
So, para magkaroon ng interconnectedness feeling na hindi ka lang mag-isa sa mundo or at least ‘yong action mo doon lang mako-confine sa Metro Manila halimbawa. By following those dimensions medyo, ay oo nga, ‘no? Mas magiging effective kung mayroon ka pang idadagdag mo na hindi mo na palalabasin sa labas. Maglaro kayo sa putikan! Bakit? It gives them something na may deeper understanding how the world works outside of the house or at least the community
What kind of learning experiences do you design?
CELINA: Kayo bang EE team, ano ‘yong mga halimbawa ng mga learning experiences na ginagawa natin?
DINO: For example sa Donsol sa mga public schools doon, of course wala naman silang means na makapag-swim with the whale shark kasi siguro malayo ang barangay nila or in land sila. Although na alam nila na Donsol is the whale shark capital of the world, okay nakita nila ang picture, alam nilang may polka dots, alam nilang ganyan, alam nilang ganto. So what what we did, ‘yong isang passenger jeepney pina-paint-an namin ng semi-scale na whale shark sa side ng jeep. So ‘pag dinadala namin ‘yong jeep don sa mga schools, ito, same community, same municipality. Pag nakikita nila ang whaleshark, sabi ko ganito kalaki siya, ganito kalaki ang bibig niya, ganito kalaki ang palikpik niya, no, naaano sila. “Ah ganyan pala talaga kalaki?” Instead of ‘pag nakakita sila niyan eventually sa dagat, hindi sila matatakot. Ah ayan ‘yong whale shark. Sinabi nga pala sa amin na ganito siya kumain, ganito siya lumalangoy so nagkakaroon sila ng parang Eureka moment when they see the actual size of it rather than the mga figurines, or di ba mga ganyan. So, para sa akin kapag nakikita mong hinahawakan nila ang jeep na parang whale shakr, o wala pa akong ine-explain nage-gets nyo na. Parang ganoon.
CELINA: Yeah, Parang bringing them closer to reality or at least even with the ‘yong mga physical attributes ng whale shark no, kahit doon muna.
JONNA: Kumbaga maia-adjust namin ang mga modules namin on their understanding para hindi naman ganoon pagsabak namin sa turo mga out of this world terms, mga terms na sobrang technical, sobrang scientific, na parang we are adjusting it, in a way na pasok sa kanilang understanding. Like isa sa mga interpretation is ‘yong paggawa ng jeep, ‘yong jeep na may pinta ng butanding or paggamit ng mga puppets when we’re teaching about different species and also since hindi naman siya download sessions ang ginagawa namin, these are all interactive so kahit nakapasok na kami sa virtual platforms we’re also doing interactive learning na hindi lang siya lahat nanggagaling sa aming tatlo na EE team but we are also asking experiences and learnings from our audience.
How does environmental education happen in the Philippines?
CELINA: Sa totoo lang, I don’t remember being educated about the environment in this way. Paano ba talaga nangyayari ang environmental edcuation sa Pilipinas, ang mga ginagawa ba ninyo ay bahagi ng mga nangyayari sa regular school or ito ba ay additional, special events? How does EE happen in the Philippines?
DINO: Sa experience namin, kami ‘yong ano eh. Naalala mo nung grade school ka, syempre may normal session yan na may schedule ka na biglang darating ang mga visitors na may ituturong bago, so refreshing sa iyo na parang waaaaah, ay hindi namin makita si Ma’am o Sir. Di ba may bagong magtuturo and different style nang pagtuturo ang makikita mo and ‘yon ‘yong kami, so ako I don’t see myself as a teacher talaga kasi ibang level, ibang skill ang mayroon sila to do that sa ganoong klaseng trabaho. Kami ‘yong happy-happy visitors na magpapagame, maglalabs ng ano, manggugulo nung seating arrangement, kung puwedeng tumayo. Noong una, okay ‘yon tas medyo nagiging para sa akin trivial lang siya para sa mga students. Tapos parang naging “Oh, mayroon kaming dating visitors na nakalimutan ko na nga ang napag-usapan.” Naalala lang niya ang experience pero nakalimutan niya ‘yong lesson learned. So I shifted doon sa different approach na malaking inputs ‘yong pagiging teacher ni Maye. Nailatag niya in such a way na dapat mayroon kang tinatarget na mga kumbaga competencies ba na you want the learners to get. Medyo nakalatag siya na parang lesson talaga, hindi naman strictly na curriculum pero may lesson plan na sinusunod na mayroong kang targets na kumbaga na makukuha dapat na reactions from the students na hindi lang basta happy-happy nga no. I think si Maye malaking bagay ang ginagawa niyang paglalatag sa framework ng mga dapat magawa.
CELINA: Sa totoo lang, ako even as a teacher, malaki ‘yong value ng happy-happy, malaki ‘yong value ng exciting na learning experiences pero ‘yon nga kung learning naman talaga ang point natin parang I do agree na importante pa rin ‘yong alam natin ang learning goals, outcomes na ilalatag natin ‘yon para everything we design will be anchored doon sa learning goals natin.
But you said Dino, na kayo ‘yong mga bumibisita na parang “Uy mayroon tayong mga special guests ngayon tapos extra ordinarily fun ‘yong mangyayari” so you mean ang environmental-education sa Pilipinas ngayon ay special events na kayo ay bisita at hindi ito embedded sa K-12 curriculum natin?
MAYE: Actually mayroon na tayong EE law. RA 9512, ito ang Environmental Awareness and Education Act tapos 2008 siya na approve. More than a decade na siya. According to this alw nga, kailangan maintegrate ang about sa environment sa pagtuturo, whether formal, non-formal from daycare to adult learning dapat sa na naiintegrate ‘yong pag aaral tungkol sa environment, tapos hindi lang ito para sa DepEd or para CHED, ‘yong iba-ibang agencies din ng government ay involved para nga mapatupad siya. Pero tuwing babanggitin namin ito kahit sa mga reent workshops namin sa teachers, ay marami pa ring ‘yon nagugulat na “Ay may ganyan palang batas!” So ibig sabihin hindi masyadong siguro hindi naiimplement, or naimpliment nila pero hindi nila alam na “Ah ito na pala ‘yon.”
‘Yong nga sabi ni Dino na medyo nangyayari, pasundot-sundot pero hindi pa talaga naka-weave sa curriculum. ‘Yon ang isang challenge parang madalas na nakikita namin na special event siya or nagiging kunwari “Enviroment Week” or “Environmental Talk” o kaya nagiging ‘yong mga invitations namin recently parang may theme sila, kunwari this quarter ang theme namin ay creation or species. So parang doon siya napapasok parang ‘yon ‘yong mga entry points namin especially sa formal na schools. So kapag nagtuturo kami sa teachers, sa mga workshops namin, Ayon din ang gusto sana naming matutunan nila or ma-realize nila, madalas kasi pagsinabing environment, sasabihin nila “ah Science yan” so kapag nagpa-workshop kami ang papadala ng mga schools ay mga Science teachers, pero ang gusto naming ma-realize ng lahat, lahat tayo may puwedeng i-ambag pagdating sa pagtuturo tungkol sa environment, whether Art teacher ka, or English, Filipino, Math lahat puwedeng pasukan ng environment so ayon ‘yong mga gusto naming ituro.
CELINA: Alam mo, ako rin hindi ko alam ang EE Law at more than a decade na siya. Interesting siya for me as an educator, may naalala rin ako from my masters. Nagtake rin ako ng isang course doon, environmental education and simpleng-simple tumatak sa akin dito ay nung sinabing “All of the education should be environmental education” na tipong ito’y hindi hiwalay sa ginagawa na natin pero any touchpoint where learning might happen it should be environmental education.
DINO: Pero ako I will go to the darker side kung paano mo ituturo ang problema ng climate change, ng basura, ng energy, ng tubig. I think lahat ngayon tayo, after the lockdowns is capable of teaching environmental education especially when talking about the problem. Bakit? Kasi all you have to do is realize, lalo na ‘yong ECQ nung bawal lumabas, lahat talaga we were confine sa bahay natin. Hindi ka makalabas, ‘yong basura mo, filling up kasi hindi rin nakakakolekta ‘yong mga basurero, ‘yong pagkain very limited kasi dapat scheduled ‘yong sa grocery. Ngayon ilagay mo ‘yon sa konteskto na ganon ang ating planeta na wala tayong paglilipatin kasi bawal tayo lumabas, kasi wala tayong choice actually. We are lockdown in this planet. And our resources nauubos na siya, and tapon tayo nang tapon ng basura walang nangongolekta. So, if you look it that way, “ay oo nga no kaya nagkaroon ng movement itong plantitos and plantitas because we wanted our home to be liveable again kasi we were spending all of our time sa bahay. Nagsisimula na maglagay ng plants. If we look at it na kung ang planeta natin simula natin magtanim. We treat it as our home.
Mayroon nga kaming isang ano eh “Ang pangangalaga sa kalikasan ay pangangalaga sa sarili” So, ‘yon ‘yong isang way na pag tinignan mo ‘yon, kasi natandaan ko na mayroon kaming isang session with the parents “If you want to teach about the problems of the world or ‘yong sa environmental problem” tignan ninyo na lang ang naexperience natin ngayong pandemic, We are confine in this small space and with limited resources dapat alagaan natin siya. Linisin natin siya, bawasan natin ‘yong consumption natin para konti rin ‘yong itatapon. Ilagay mo lang ‘yon sa konteksto ng planeta. I think everybody will realize na “Oo nga no we really have to, kailangan natin siyang alagaan!” And that way ‘yon ang panghuhugutan mo ng knowledge mo. Oo nga no, makikita mo ano ba ang kailangan mong alagaan. Forest? O ‘di sana walang deforestation.
MAYE: Pero kunwari ‘yong ngayong lockdown nga. Parang nakita natin na hindi tayo makapunta sa outdoors. Hindi tayo makapunta sa beach. Hindi tayo makapag-mountain climbing. Ibig sabihin ba deficient tayo sa nature? Wala tayong exposure? Pero ngayon nare-realize natin na dito sa loob ng bahay ko, mayroon akong opportunity to immerse with nature. ‘yong garden namin ngayon ko lang naappreciate, ‘yong view mula sa window ko pag sunset ang ganda rin pala. ‘yong ganyan. Siguro isang magandang practice rin ‘yon tapos kung lalawakan mo. Minsan kasi mas fascinated tayo sa kung ano ang nasa wild, or pag sinabi nating nature naiisip natin ‘yong safari, ‘yong mga wala rin naman sa mismong lugar natin. So ‘yong appreciation din for local na nakikita. Ano ba ang mga halaman na nasa barangay ko? Ano ba ang mga halaman sa probinsya namin? Ano ang mga hayop na nakikita rito? Na dahil lagi nating nakikita feeling natin tuloy hindi sila special pero maganda nga na kung ‘yon pa lang ‘yong mga nasa malapit sa atin na nakikilala natin tas naappreciate natin, na-aalagaan natin, ‘yong ability rin natin to reach out, ‘yong greater na environment o ‘yong mas malayo pa na environment maiintindihan din natin lalo
CELINA: Parang looking at what will work also in terms of environmental education. I think what I got there is ‘yong starting with your local community tas ‘yong nga since nakaquarantine tayo even starting what’s at home sobrang gusto ko ‘yong konsepto ‘yon. Kasi nga you know I try to go back to how I learned about the environment. I have some memories alam kong tinuro sa amin ‘yong bawal nang magsiga. Syempre ‘yong mga, ilang Rs na ba? 3 pa lang ‘yong time ko non, 4 na ba or 5? Hindi ko na alam, pero kung ilang Rs man yan reduce, reuse, recycle. You know you do the same thing, you know how children often make those posters na parang environmental awareness posters. Pero this experiences, a lot of this experiences don’t really stick because maraming one of eh. Na tipon, “Ah ngayon lang ‘yan.” , this week lang. Tapos anong mangyayari after. so I guess that question of how it is connected to your home? How it is connected to your community? How it is connected to you as a person? Maybe that is something that teachers can really go back to when they are trying to teach about the environment.
MAYE: May teacher na nag-share na parang may clean up activity sa school nila. Ang daming nagsa-sign up, ang daming gustong mag-volunteer, Kasi clean up tayo sa ganitong lugar Pero kapag tiningnan mo ang sariling calssroom ng mga bata, para may disconnect na hindi masyadong clean. ‘yong ganon ba na parang, siguro dahil nga nasanay tayo na event, pagsinabing environmental na pag-aaral nagiging event siya pero ‘yong everyday na habits or everyday na learning about the environment parang doon siguro ‘yong kailangan nating tutukan na hindi siya event lang na parang sa sarili kong classroom puwede akong mag-clean up araw-araw. Parang ganyan
What can teachers do to integrate environmental education in their lessons?
CELINA: Yes, parang ano siya eh, way of life, ano? Way of life dapat ang pag-aaral. Siguro kung aksyon ang punto ng EE, I want to ask your group – Ano ang puwede nating gawin ngayon to advance environmental education? Ano ang concrete steps na puwede naming gawin?
DINO: I think mas bibigay ko kay Maye ‘yong ginagawa mo na makikita ng mga estudyante whether teacher ka or a student or anybody. Kahit sino ka pa. ‘Yong dahil sa lockdown, ‘yong consumption natin bawas-bawasan natin. Kasi nga dahil nga, puro delivery, at least dito sa Metro Manila, ‘yong mga delivery. Medyo maluwag na sa grocery puwede na maglutong bahay. Bawasan natin ang ating basura. ‘yong generation of waste which boils down to consumption pa rin eh. By doing that yourself, mayroon kang mata-translate siguro o nai-imprint mo sa mga learners mo “Na oo nga no, si Ma’am ganito ginawa, si Sir ganito ginagawa, ako rin ganito na rin gagawin ko.”
CELINA: You‘re right. Teachers are very influential. Bago magkaroon ng influencers ‘yong mga ganyan, teachers talaga ang mga humaharap sa mga bata ngayon no. Tayo talaga ang modelo rin ng mga bata ngayon and I don’t mean that a super visual sense. They really copy what we do. That’s true!
MAYE: Sige, dudugtong ko na doon. Evaluate rin natin kung ano ang stand natin sa mga environmental issues. Balikan mo rin nga kung ano, ikaw bakit gusto mo alagaan ang nature? Actually, mayroon parang isa pang dimension na parang ang focus nga niya ay to represent the environment. Nung may mga nakausap kaming mga teachers, tsaka mga principals. Ang laki ng focus nila sa ‘yong nga modeling na parang pero ‘yong naisip nila non kailangan maging role model ‘yong mga students natin tapos parang later on na lang na “ay ako rin pala role model ako” ‘yong aspeto na ‘yon ay napaka importante talaga. Parang ‘yong ginagawa ni Dino kung nakikita ng mga tao na pwedeng naman pala talagang mag-buy. So parang naeengayo ‘yong iba na kaya ding gawin ‘yon.
Pero siguro sa kung mas turo na part. Kung ine-encourage namin ang mga teachers na i-incorporate or intergrate ng mga environmental concepts sa kanilang mga lessons kahit ‘yong very simple way, kung Math teacher ka, ‘yong ang mga Math problems mo baka puwedeng tungkol sa environment. Kung English teacher ka, Filipino teacher ka, ‘yong mga stories natin tungkol sa environment, baka puwedeng option na ipabasa natin sa mga bata or kung kailangan nilang sumulat something about sa environment also. Lahat puwede nating gawan ng connection sa environment. And then, maganda rin kung hindi lang sa classroom pero ang buong ang school kung mag-a-agree sila kung gusto nila maging environment freindly na institution na parang vision, mission goal nila.
Dati kasi parang pag sinabing pangangalaga sa environment parang beautification, pagpapaganda lang. Parang ganoon ang pagtingin. Pero ngayon nakikita natin na importante pala talga siya kung marami kayong tanim sa school, diba parang ang laki ng benefit din noon? Puwede mong gamiting sa feeding program. Kung maayos ang materials recovery facility ninyo, or materials recovery program sa school parang ang laki rin ng tulong nito hindi lang for the school mismo pero sa whole community. Minsan kasi parang nagiging template na, kapag sinabing environment, “Ay, ano yan, tree planting!” parang ganoon. Pero baka hindi ‘yon ‘yong immediate na issue na dapat i-address ng school ninyo. So alamin din kung ano ang issues sa local ninyo na scenario na dapat bigyan ng pansin.
CELINA: Sobrang gusto ko ‘yong whole school approach. Naniniwala talaga ako doon. It goes even with usapang curriculum integration, naalala ko kasi whenever you try inject, or introduce some innovation sa curriculum, kung isang teacher ka lang na gumagawa noon, it might feel ridiculous at first na parang “Oh, bakit ganiyan magturo yan?” Pero you know what? Maybe we need to feel ridiculous for now. But thinking about the impact that we can make on the school community and on the environment, I think okay lang it wil be worth it.
DINO: Malilipat yan, mata-translate yan sa household nila. Madadala nila yan “Nanay, tatay mayroon kaming assignment, ganito ganiyan.” Usually sa public school ang nagbabantay barangay, so parang may angkla ka na rin don sa LGU, sa barangay. “ Ay itong mga to nagtuturo ito ng environment don sa kagawad sa environment” so biglang nagkakaroon ka na ng whole community approach kapag na-address mo ‘yong buong sistema nung eskwelahan.
CELINA: From whole school to community. Ang ganda lang, Dino, kasi parang ang lakas din ng interconnectedness ng mga bagay. Perang approaching these environmental issues as a systematic problem. Marumi ang classroom namin, pero hindi lang kami at hindi lang ang dahilan dahil nagkalat tayo. Parang ang daming dugtung-dugtong na problema na maganda talagang from whole school even and whole community ang approach. That’s really good.
MAYE: Actually mayroon akong nakausap na mga teachers, isa kasi sa mga naging response don sa EE law natin is nagkaroon ng parang search for environment friendly schools and na kwento ng ibang naging winners nitong search na ito na parang ‘yong simula nga, actually pinagtatawanan sila ng other schools ‘yong mga kapitbahay nila na school. “Bakit kayo nagpapakabasurero?” Parang ganon ang dating kasi talaga inintensify nila ang segration nila sa school. So ‘yong ibang parang bakit kayo nageeffort na gawin yan, madumi. Pero ‘yong nakita nila na oo nga dapat pala tong bigyan ng pansin. Naging model na sila. ‘yong nanalo sila, parang narepresent pa nila ang Philippines sa, I think sa Asian na conference eh. Nakita agad na may impact. Ngayon ang nangyayari ang dami nang nagbebecnhmark sa schools nila. So may mga pupunta na representatives from other groups para alamin or matutunan ang mga naging programa nila. At dahil doon nagkakaroon ng improvement, ‘yon ‘yong maganda rin. Kunwari si School 1 na nanalo nitong year na to, dahil nagbenchmark ‘yong schools, ‘yong mga solutions natin nagkakaroon ng innovation na mas maganda na, mas efficient, mas accesible, nagiging maganda siya for everyone.
JONNA: Again, balik ka sa question na bakit? Bakit ko ba gusto kong ituro ito? Bakit ko ba gustong gawin ito? Kasi nabanggit natin when we identify problems and issues, interconnected din ang problema na bakit nga ba makalat sa classroom ano nga ba ang mga nangyari? Siguro, base sa mga nasagot na kanina. ‘yong solutions ay konektado rin. Parang nag umpisa ka as you’re an individual or as a teacher, may gusto kang gawin na isang bagay na maaaring masolus’yonan ng isang issue at nakita nga ng iba, sabi nga ni Dino, nakita ng in a barangay level, tong si Barangay gusto ko na rin ininvite si ganito or gusto na rin matuto patungkol sa ganitong bagay, pagdating sa barangay, mananalo kunwari si barangay don sa nabanggit ni Maye don sa school na nanalo about sa kung gaano kalinis or environment award, so parang makikita rin ni LGU yan. Na parang oh tong barangay na to parang model barangay sila kasi malinis, kasi maayos. Tas parang iaadapt din ni LGU yan, kung si LGU rin nag-adapt, kumbaga dugtung-dugtong na yan eh, makikita ng ibang LGUs until makarating na sa National government until makarating na internationally. So parang siguro puwede ko ring maiano dito ‘yong isang characteristics ng education for sustainable development learning is the na ‘yong nangyayari locally ay may impact siya globally, ‘yon parang ganon.
DINO: Mayroon akong gustong idagdag na isang kwento don sa interconnectedness ng solution, Kasi ‘yong binanggit ni Maye na sustainable schools. Tuwang-tuwa ako sa example na palagi niyang binabanggit na ‘yong school ay wanted na mabawasan na plastic waste nila, so ang ginawa nila, bawal na ang mga chips sa cafeteria o sa canteen. So ang nangyari, syempre ang ginawa nilang merienda ng mga bata, mga pancit at puto which nabago ngayon ‘yong diet ng mga bata na mas naging healthy tapos locally source ‘yong pagkain na ‘yon. Tas biglang, gusto mo lang ayusin ang basura tapos ang dami na biglang solutions na nagpop-up na hindi mo naman talaga ini-intend pero maganda ang naging results.
CELINA: Yeah, ang galing nga! ‘Yong sabi ni Jonna kanina na if the problems are connected maybe the solutions are connected, when you do something, talagang makikita natin ang ripple effect, and a lot of people and our environment will benefit from these small efforts.
How can the public collaborate with WWF Philippines?
CELINA: So, yes, we have here the members of the Environmental Education team of WWF Philippines. In case our listeners want to know more about the work that you do, how can they collaborate perphaps. Can you tell them where we can reach you. Anong puwede nating iaccess?
DINO: Puwede sa website. ‘yong wwf.org.ph or actually ako puwede ninyo email at dcalderon@wwf.org.ph
MAYE: Like ninyo ang WWF para makapagbigay tayo ng EE session sa kanila.
CELINA: Alright, We also make sure to link their website when we post this podcast para siguradong alam ninyo where to reach them. They do have a lot of available programs that they’ve carefully designed already. So maaari nating maaccess ‘yong resource nila. We can always come up with new programs with them, we can co-design programs with them, We are happy to collaborate with you.
At this point I would like to thank you, Maye, Dino and Jonna Thank you so much for spending time with us for this kuwentuhan on EE. Kanina I said I was so eager. Kung kanina eager ako, ngayon parang hindi ko alam kung saan papunta ang eagerness ko but I guess we were talking about how ee is about action more than anything, Now I dont want to stage us curious. I wanna make sure that we are able to sustain this. Ako mismo as an educator, at least kaya ko sabihin sa inyo I support your work and I will make sure that your message will reach more people.
Check Out
CELINA: If environmental education is well-designed, kung talagang pinag-isipan, pinagmunihan at pinagnilayan ng mga tao ang environmental education, fill in the blanks lang tayo. Environmental education has the power to…
JONNA: Power to make the people see and realize that they have the capacity to do such things na parang that they can go beyond their comfort zones. Parang bigla ka na lang magigising, or bigla ka na lang mapapaisip, matututulala ka na lang na parang. “Ay ginawa ko pala ‘to, ay nagawa ko pala, ay kaya ko pala.”
MAYE: Ang naiisip ko ay parang may kakayahan siya na matulungan tayong makamit ‘yong maginhawang buhay.
DINO: Environmental education has the power to give us that balance and healthy relationship with the environment and nature. Kumbaga we protect it and it protects us.
CELINA: Ako ano, environmental education has the power to make us hope again. To believe again.
[Habi Hour Outro]