Habi Hour S2 Episode 5: Creative Teachers Flock Together

Conversations about creative kumustahan and cultivating caring learning environments

Overview

17 May 2021 | 15 min and 03s

Narinig mo na ba ang kasabihang “Birds of the same feather flock together?” In this episode, let’s join Chess, Mai, Kevin, and Tope – former officemates turned friends, and creative teachers in different settings. Let’s listen to them as they share stories about how collaboration or flocking together helps them boost their creativity.

Transcript

MAI: Magandang makita ang relationship ng creativity at collaboration kasi ang creativity is a unique set of talents na mayroon ang isang individual. At ang creativity, I think, sa konteksto ng work at education ay mayroong goals.

 

CHESS: Narinig mo na ba ang kasabihang, “Birds of the same feather flock together?” Ano ang tingin mo sa kasabihang iyon? Ako si Chess, isang learning experience designer at ang inyong host para sa episode na ito.

 

Sa episode na ito, makakasama natin sina Tope, Kevin, at Mai na una kong nakilala bilang officemates. Nakakatuwang isipin na kahit iba-iba na kami ng tinahak na landas, at some point, nagkakasalubong pa rin kami. Bukod sa pagiging former officemates at kaibigan, sina Kevin, Mai, at Tope ay naging collaborators na rin natin sa Habi para sa iba’t ibang projects. Inaanyayahan naming kayong pakinggan ang aming kuwentuhan tungkol sa Creative Teachers Flock Together.

 

[Habi Hour Intro Spiel]

Introductions and Check-in

CHESS: Nagsimula ang kuwentuhan sa isang creative challenge: Tell me what your job is without saying what your job is.

 

[Habi Hour Intro Music]

 

MAI: Hello, ako po si Mai. Ang ginagawa ko ay nakikinig sa mga kuwento ng mga tao, at nakikibahagi sa mga pangarap nila.

 

TOPE: Hello po. Ako po si Tope. Basically katulad ng ginagawa ni Mai, ako rin ay nakikinig sa mga kuwnto ng mga tao. Pinapakinggan ko kung nasaan sila ngayon, ano ang mga challenges nila. Gumagawa ako kasama nila, at ng team ko ng mga strategies para ma-envision namin ang desired state nila, o ang bagong posisyon na gusto nilang puntahan, at paano sila pupunta doon.

 

KEVIN: Ang ginagawa ko ay nakikinig sa mga tao, ang mga sinasabi at hindi nila sinasabi para dumating ang point na makakapag-develop sila on their own.

CHESS: May idea ka ba kung ano ang kanilang mga trabaho? Something common sa mga sagot nilang tatlo ay lahat sila ay nakikinig sa mga tao. Si Kevin ay isang civil servant sa larangan ng human resource development. Si Mai naman ay isa namang learning experience designer na bumubuo ng mga teacher training programs. At si Tope ay isang learning development manager sa isang pribadong kompanya. Hindi man sila teacher sa classroom, ang kanilang mga ginagawa ay tungko pa rin sa pagtuturo tungkol sa iba’t ibang konteksto.

Kuwentuhan

CHESS: Pagkatapos ng creative challenge na siya ring naging check in, pinag-usapan na namin kung saan nga ba sila kumukuha ng inspiration for creativity.

 

TOPE: ’Yung isang proseso rin na ginagawa ko para i-maintain o maging fresh ang mga bagay ay tatlong R na lagi kong binabalikan: Revisit, Reflect, at Respond. Ang Revist ay patungkol sa pagbabalik-tanaw sa past. Ang Reflect ay pagko-connect ng mga nangyari sa nakaraan sa mga dapat matutunan sa present time. At ng Respond ay ano ang kaya kong gawin sa ngayon, at ano ang kaya kong gawin para sa desired future state na gusto kong puntahan.

 

MAI: Kung si Tope ay may 3 Rs, ako may 4 Ps. Ang una ay Play, so playing with children. Marami akong natututunan kapag nakikipaglaro ako sa mga bata: ‘yung non-judgment. Pag-go with the flow, hindi kailangan ng elaborate materials para makapaglaro. ’Yung second ay People. I follow creative people, mga taong nakikita ko na in touch with their child-like wonder. Third ay Project or Portfolio. Magandang mag-recall ng mga positive experience kung kailan ka nag-experiment at nag-succeed. ’Yung last ay Practice. Ang pinakamagandang inspiration ko to stay creative is to keep practice creativity. Get to know your approaches in solving problems, pagtatanong ng, “What if? What might work? How can thi be better?” Mga gano’n questions nakaka-stir up siya ng creativity.

 

KEVIN: Ang sa akin, ang main source ng creativity ko ay kapag naliligo ako. Kapag babad ka kasi sa karanasan mahirap na, kumbaga lumalangoy ka sa dagat ng karanasan. ‘Yung kilos na aahon ka panandalian sa dagat ng karanasan para tingnan, “Nasaan na ba ako? Malapit na ba ako? May saysay ba itong ginagawa ko?” Tingin ko yung mga pagkakataon na ‘yun, ‘yung pagbalik-tanaw sa karanasan, ‘yung pag-ahon kumbaga kapag lumalangoy ka sa dagat, ‘yun ‘yung mga pagkakataon na nabubuhay ‘yung tinatawag kong pagkamalikhain.

 

CHESS: Ito pala ang sources of inspiration and creativity nina Kevin, Mai, at Tope. Pero paano nga ba silang nagsimulang mag-flock together?

 

TOPE: Umpisahan natin no’ng unang panahon. Charet!

 

I think una ‘yung passion for education, I believe. And passion for learning, actually. Doon tayo unang pinagtagpo-tagpo. Halimbawa kaming dalawa ni Kevin, una kaming nagkatagpo noong nagkasama kami sa isang project. Ito ‘yung ang design problem namin ay, “paano namin mai-involve o masi-strenghten ‘yung relationships ng non-government organizations para mag-parttake sa transition na nangyayari sa education natin na K-12. 

 

KEVIN: Sa akin namin, five years ago, lost pa ako no’n in life. Ang background ko talaga ay academic, and I always thought na ‘yung pagiging academic ay mas research-focus, na kung magtuturo ka ng isang bagay, ang importante lang ay alam mo ang content. As I got to know more of you, at iba nating mga kasama, doon ko natutunan na, “ah, bukod pa pala sa content mastery, iba pa ‘yung usapa ng pedagogy.

 

MAI: Ako siguro ‘yung naaalala ko sa, kung magto-throwback tayo, naalala ko ‘yung teacher training roll-out. Umikot tayo tayo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, tapos nag-iisip tayo ng iba’t ibang place para mag-check in yung mga teachers. Tapos inisip na natin ‘yung mga design challenge na, “paano natin ide-democratize ‘yung learning space na kahit marami ‘yung participants, may space pa rin sila to share their experiences and reflection?” Tapos naalala ko gumawa tayo ng paper planes kung saan isinulat nila ‘yung dreams nila, at kung gusto nila ng accountability partner, puwede silang maglagay ng e-mail [address]. And at the end of the session, maraming paper planes na lumilipad sa isang conference hall. Malaking bagay sa akin ‘yung experience dahil hanggang ngayon nasa teacher training pa rin ako, at dala-dala ko ‘yung mga lesson sa teacher training roll-out na ginawa natin dati.

 

TOPE: Ang gusto ko lang ipunto dito ay malaki ng influence ninyo sa akin personally sa mga prosesong ginagawa ko ngayon. ‘Yun ang isa sa mga unique na nangyari sa atin. Magkakaibigan tayo but at the same time collaborators tayo at heart sa trabaho natin at sa mga personal na buhay.

 

MAI: Naaalala ko tuloy ‘yung sinasabi ni Kevin na nakakatulong kapag iisa kayo ng understanding sa “Why” as a group. Nakaka-energize ng brainstorming at projects, na alam ninyong isa lang ang gusto n’yong marating. At ‘yung “How,” doon na ‘yung dala-dala n’yo na ‘yung iba-ibang creativity, tools, thought process, iba-iba ‘yung nakikita. Dahil clear ‘yung “Why,” ‘yung “How puwede nang gawan ng paraan, puwede nang mabalans para mas madali tayong makarating sa goal.

 

CHESS: Narinig na nating dati ngang magkaka-opisina sina Kevin, Mai, at Tope. Pero bakit nga kaya nila pinipili na magkakaibigan pa rin even beyond the workplace? Why do we still choose to flock together?

 

KEVIN: Tingin ko ‘yung creativity kasi requires you to go beyond the familiar, and the only way for you to really go beyond the familiar is to talk to someone who is not yourself. Siyempre, hindi naman talaga natin nahuhuli ang kabuoan ng ating sarili at araw-araw na may nakikita o nari-realize tayo na, “ay, oo nga ano.” Puwede tayong magkaroon ng ganoong moments. Pero ‘yung talagang source, I think, is friction, ‘yung makikipagtagisan tayo sa kaiba sa ating sarili at doon namumunga ang creativity at energy and all the positive things in the world. Mahalaga rin ‘yung support group. Una, may katunggalian ka, pero dahil nga support group iyon, sa pakikipagtunggalian na ‘yun, alam mong ligtas kayo parehas, at alam mo na ang hinahangad n’yo pareho ay mapabuti ang isa’t isa.

 

MAI: Magandang makita ang relationship ng creativity at collaboration kasi ang creativity is a unique set of talents na mayroon ang isang individual. At ang creativity, I think, sa konteksto ng work at education ay mayroong goals. Ginagamit natin ang talents antin ,ang skills natin para mag-solve ng isang challenge or gap. ‘Yung collaboration. gumagawa s’ya ng space para ‘yung ibang tools, puwedeng mag-cooperate at mas mabilis na makapag-isip, mas mabilis makapag-generate ng solusyon. At sa konteksto natin ngayon na nasa gitna pa rin ng pandemya, at marami tayong sino-solve na education problems, habang nagna-navigate tayo ng complexity na ’to, magandang malaman na walang isang tao na may sagot sa future na ‘yun, kung ano ‘yung magiging hugis no’n. Kaya kailangan natin ng collaboration, kasi sa isang mundo na may increasing complexity, kailangan natin ng mas maraming ideya, mas maraming energy, para ma-solve natin itong mga problema na ito, itong mga challenges na ito isa-isa.

 

CHESS: Ikaw, ano sa tingin mo ang relationship ng creativity at collaboration?

 

Bilang pagtatapos sa episode nating ito, narito ang aking 3 take away na may kasama na ring tips. Una, bawat tao ay may kakaibang paraan sa pagiging malikhain. Ang ilan sa atin mahilig mag-reflect at magmuni-muni. Ang ilan na man ay mahilig maglaro at magmasid. Ang iba naman ay may mga ritual at habits. Tip number 1: Tuklasin, alamin, at kilalanin ang iyong angking pagkamalikhain.

 

Ikalawa, mas lalong napapayabong ang ating pagiging malikhain kapag tayo ay nakikibahagi at nakikihalubilo sa kapwa. Tulad na rin ng narinig natin sa kuwentuhan nina Kevin, Mai, at Tope, marami silang natutunan sa isa’t isa mula sa pagbabahagi ng mga ideya, pakikipagtalakayan, at kung minsan pakikipagtunggalian. Tip number 2: Hanapin ang iyong ka-tribo at manatiling konektado.

 

Ikatlo: sa mundong ginagalawan natin, marami tayong mararanasang pagsubok tulad na lamang ng pandemiyang ito. At sa mga pagkakataong katulad nito, malaki ang magagawa ng pagbabahagi ng mga ideya para tugunan ang kakaibnag hamon ng ating panahon. Tip number 3: makiisa, makibahagi, at makipagtulungan.

 

Check out

CHESS: Salamat sa pakikinig! Tara, check out tayo. Complete the sentence: “Collaboration…”

 

KEVIN: “Collaboration is the well-spring of imagination”

 

TOPE: “Collation is the process of coming together. Nando’on ‘yung salitang ‘community,’ o ‘commune,’ o “pagkikita-kita” at ‘pagsasama-sama’ at ‘pagiging isa.’”

 

MAI: “Collaboration adds joy to the process of innovation.”

 

[Habi Hour Outro Music]

Author avatar
Chess Carlos
Chess is a life-long learner who sees every situation as a learning opportunity. She enjoys participating in co-design sessions which allows for collective flourishing. Chess is interested in keeping a beginner's mindset, which for her, makes life exciting. Three things that she's learning right now include: improv, playing the ukelele, and cooking seafood.