Conversations about Learning Action Cells as structured spaces that promote creative collaboration especially in a time of pandemic
Overview
14 May 2021 | 16 min and 23s
In Episode 6 of Habi Hour’s Turo-Turo Serye, we listen to stories from Kay, Teacher Kara, Teacher Zaldy, and Teacher Sherwin on how structured learning experiences like Learning Actions Cells can still promote creative collaboration especially in a time of pandemic.
Transcript
LUIGIE: Sa mga nakaraang Habi Hour episodes narinig nating ang iba’t ibang konteksto kung saan nagiging mahalaga ang pagiging creative. Mula sa pagiging playful sa creative teaching, learning, and productivity, hanggang sa halaga ng collaboration at working together sa pagiging creative. Pero paano nga ba natin maisisingit ang creativity kung may naka-set na rules and steps sa isang learning experience? Posible pa nga bang magkaroon ng creativity kung may structure na ang isang learning experience?
Ako si Luigie Lursh, isang learning experience designer mula sa Habi, at katulad ng marami sa ating tagapakinig ay isa rin akong guro.
[Habi Hour Intro Music]
Introductions and Check-In
LUIGIE: Para sa ating Habi Hour Episode 6, sasamahan ko kayong mapakinggan ang kuwento tungkol sa Learning Action Cells, at kung paano ang isang learning experience na may distinct structure and format ay maaari pa ring maging space for structured creatviity. Maririnig natin sa kuwentuhang ito ang ating mga kasama mula sa education sector na may marami nang experience sa pagsasagawa ng learning action cells.
KARA: Ako po si Kara. Teacher 1 po ako sa Gumaca National High School.
ZALDY: Good evening everybody, I am Zaldy, Head Teacher 3.
SHERWIN: Sherwin po. Master Teacher 1 po ng Gumaca National High School.
KAY: You can call me Kay. Before, I was a Learning Action Cell coordinator a few years ago.
Kuwentuhan
LUIGIE: Pero bago natin tuklasin kung paano nagkakaroon ng structured creativity sa isang LAC, alamin muna natin, ano nga ba itong Learning Action Cell?
KAY: Ang isang Learning Action Cell ay basically a group of teachers collaborating either to A) solve a shared challenge, halimbawa sa kanilang eskwelahan, or B) to continue their professional development.
ZALDY: Ang Learning Action Cell kasi ay isang estratehiya, sa aking pagkakaunawa, na kaiba doon sa kadalasang nating nararanasan na mga seminar, kung saan mula as perspektibo ng mga specialist natin, ng mga expert sa department, mula sa kanila na top-down approach na binigay nilang impormasyon, sa LAC session, ang perspektibo ko dito ay mula doon sa baba, ‘yung aktwal na nararanasan sa field, mula doon ay inaalam ng mga LAC leaders o faciliators ang needs, ang mga napapanahon, ang mga pangangailangang akma sa kanilang sitwasyon depende sa kanilang lokasyon, depende sa kanilang rehiyon, depende sa kanilang paaralan. At itong LAC session ay very important kasi mula doon sa estratehiya na bottom-up style, malalaman mo lang doon sa perspektibo ng mga nasa ibaba kung ano ang pangangailangan nila.
LUIGIE: Nagpatuloy ang kuwentuhan sa pagpapaliwanag nila kung paano nga ba ginagawa ang isang LAC session, ano ang mga guideline na kailangang sundin sa isang Learning Action Cell.
KAY: The teachers, they come together and they agree on a topic. Marami sa Policy, maraming naka-lista. Hindi nga kailangang mag-refer sa policy, eh. Ang importante ay ‘yung teachers themselves are the ones identifying. “Ano ba ‘yung needs natin? What do we want to solve? What do we want to learn about?”
ZALDY: It is very important to encourage them na mag-attend ng mga LAC session sapagkat ito ang magbibigay ng mga pagkakataon para ma-expose rin ang kanilang mga sarili, sapagkat may alam ang isa na hindi alam ng isa. ‘Yung collaborative effort nila ay mahalagang salig o factor para ma-reach o ma-achieve natin ang needs.
LUIGIE: Mahalagang punto na naibahagi ni Kaye bilang isa sa mga tao sa liko sa proseso ng LAC, na maaaring hindi madaling makita ang space for creativity sa mga LAC session, dahil na nga rin sa detailed steps and procedures na mayroon ang LAC.
KAY: Medyo may tension kasi, kasi sa Learning Action Cell na policy, may stipulated steps,may rules. On one hand, mayroon ka nang set na mga gagawin. In terms of being creative sa planning, sa pag-execute, at maybe sa pag-identify ng topic, honestly hindi ko masyadong na-witness. Halimbawa sa pag-create ka ng LAC festival, doon ko nakita ‘yung pag-integrate ng concepts ng play. Halimbawa, hindi kailangan very serious na may nagle-lecture. Sa Learning Festival na ito, it really felt like a community, so people were all involved in terms sharing, at may festive atmosphere. So in that sense, nakita ko yung creativity. Pero in a regular LAC session, I think hindi ito very apparent.
LUIGIE: Pero paano ba natin maisisingit ang ating creative ideas kung mayroon nang structured way sa pag-conduct natin ng isang LAC session? Dito pumasok ang malamang pagbabahagi ng ating mga kasamang teachers kung paano sa kabila ng pandemic at structure na mayroon ang LAC ay kaya pa rin nating maging creative sa ating mga LAC session.
KARA: As a facilitator, it is fulfilling to share knowledge and teach my co-teachers with new skills. I was able to hold a LAC session for the whole school. It was about ICT integration in instruction and assessment. Dito, gumamit ako ng mga free online learning applications. Ito ang napili kong topic kasi ito ‘yung nakita kong trend ngayon, at easiest way to deliver instruction. Mahirap mag-lead ng LAC session kung hindi willing matuto o makipag-collaborate ang mag participant, that is why we make our topics relevant to current issues and make it interesting to get the attention of our participants. Tinapos ko ‘yung aking workshop or LAC session with a Quizizz, kung familiar kayo sa Quizizz. So nag-enjoy sila dahil doon sa Quizizz na ‘yun.
SHERWIN: No’ng ako ang naging speaker, what I did was, katulad rin ng mga nabanggit ni teacher Kara, I used online applications to add flavor. For example menti.com, Quizizz.com, paggamit ko ng Google From. Minsan kasi for example, sa Question and Answer, sa Open Forum, kahit maliit na ‘yung grupo, kapag nagtanong ka ng, “do you have any questions,” walang nagtatanong. Siguro nahihiyang magtanong. Pero kung gumamit ka for example ng menti.com, nasa kanila ‘yung link wherein they would just type in their questions, mas nakukuha mo ‘yung mga tanong nila, nagkakaroon ng mas makabuluhang discussion regarding the topic. Naka-attend ako sa isang LAC session wherein ‘yung speaker, in-engage niya ‘yung kan’yang participants sa isang webinar at pina-off niya ang mga camera at sabi n’ya, “‘Yung mga kinakabahan, o umibig na, paki-on ang camera.” O for example, “‘Yung mga nabigo na sa pag-ibig, pindutin ang emoji o thumbs up.” Tingin ko isa ‘yun sa mga creative during this set-up na nasa Google Meet at Zoom ang LAC sessions.
LUIGIE: Narining natin ang mga kuwento nina Teacher Kara, Teacher Zaldy, at Teacher Sherwin kung paano ba natin magagawang mas creative pa ang LACs in this time of pandemic. Mahalagang makita sa kanilang mga kuwento na kaya palang maisingit ang creativity, mula sa pag-iisip ng topic, sa facilitation, at pagpili ng method of learning. Tunay ngang kaya talagang magkaroon ng structured creativity. Nagpatuloy pa ang kuwentuhan sa kung paanong sa panahong ito ng pandemic ay mas nakita ng karamihan na mahalaga ang LAC sessions para maging space for creative teaching at learning.
KARA: Bilang member ng isang LAC, very liberating na mag-participate sa isang LAC session dahil malaking challenge ang pagtuturo during this pandemic, kasi siyempre lahat bago sa aming mga teacher. Through LAC sessions, we are able to express our problems encountered and evaluate it, and eventually find solutions for it.
KAY: I was adamant na kailangan, itong mga LAC guides natin mag-start sila sa pag-establish ng support para sa mga teachers, meaning ang kanilang mga psycho-social well-being kailangang i-highlight before you even delve into paano ba mag-teach online, or iba pang teaching and learning strategies. I feel na napakahalaga na at this point, ma-activate ang mga networks na puwedeng mag-support sa mga teachers. In terms of creativity, I think malaki rin ang potential ng Learning Action Cells, kasi just having a group of people, or in this case a group of teachers come together and share their resources, activities, lesson plans, syllabi with each other, marami nang nage-generate na possibilities. Rich ‘yun eh, na spring-board for creativity. Naalala ko when I was part of an organic informal Learning Action Cell, marami akong natutunan from my fellow teachers. “Ah puwede pala itong activity na ito, pero Itu-tweek ko lang nang konti or dadagdagan ko. May videos ka palang ginagamit. I can use part of it.” As our teachers have shared already, talagang namu-multiply ang world mo of resources. Instead of just sticking to whay you usually use, maiisip mong, “Ah, puwede pala ito. Puwede pala ito”
LUIGIE: Ngayong naiintindihan na natin na puwede pala tayong maging creative kahit na may rules and guidelines sa isang learning experience, na sa loob ng LAC session ay may lalabas pa ring matatawag nating structured creativity.
Pero bago matapos ang aming naging kuwentuhan, tinanong ko ang ating mga guest kung mayroon ba silang tips para sa mga interesadong gawin ang LAC as a creative learning strategy in their own workplaces.
KARA: Magandang gamitin ang LAC session sa ibang workplaces kasi innovative way ito to conduct meetings in workplaces. Magandang avenue ito para sa mga members to gain skills like communication, leadership, and collaboration. Para rin mabigyan ng chance ang ibang members of the group na makapagsalita, dahil baka mayroon silang idea na puwedeng i-share o makatulong sa kanlang group o kanilang community na hindi naiisp ng ibang members o ng leader. Napapakinggan natin ang mga hinaing o experiences ng ibang members. Hindi lang tayo basta sumusunod sa kung ano lang ang sinasabi sa atin ng ating mga leaders.
ZALDY: Sa panahon ng pandemic, napakahalaga na ang mga leader ng isang community ay handang matuto buhat sa mga leader ng ibang community. For example sa aming municipality, mahalagang na sila ay umuupo at naghaharap-harap. Number 1 tip, may open forum., ‘yung ine-empty nila ang kanilang cup. Because LAC sessions humbles us, dahil sa pamamagitan ng LAC session, nalalaman natin na, “Ah talaga hindi ko pa lahat alam.” And it teachers this also to those people na, “Ah, hindi ko rin pala talaga alam ang lahat.” Nagkakaroon ng sharing of ideas, and sharing of new trends. It helps them to realize na, “Ah, may ibang magandang practices na puwedeng mag-benchmakr sa ibang LGU specifically sa pagharap at pag-combat natin ng COVID-19.”
‘Yung ginagawa natin kasi, I consider it as an example of LAC session wherein I learn something from you, and I also share my insights.
KAY: I think very helpful ang mga Learning Action Cell or professional learning communities, communities of practice in the sense that they help an organization be a learning organization. Anuman ang organization na ‘yun, government, private,development o NGO, by creating these opportunities kung saan members of the organizations can learn from each other, can listen to each other to solve problems together, ipinapakita natin na we are willing, na ‘yung nga, na-mention na kanina ng ating mga teachers, to learn from each other. At kapag ito ay nag-spread sa isang organization, unti-unti, an organization can become what is called a learning organization.
LUIGIE: Napakinggan natin ang naging usapan tungkol sa Learning Action Cells and structured creativity, at kung paanong maaari rin natin itong gamitin sa labas ng paaralan patungo sa iba pang mga konteksto at pagkakataon. Sa pamamagitan ng LAC at mga potential nito for structured creativity, makikita natin kung paano makakatulong ito to boost productivity, provide space for other voices and opinions, and to serve as an opportunity to sit down and solve problems together. At panghuli, mahalagang pagkakataon rin ang Learning Action Cells para ma-transform natin ang ating workplaces patungo sa isang learning organization.
Check Out
LUIGIE: Kung dudugtungan ninyo ang sentence na, “Sana…,” ano ang idudugtong ninyo? “Sana __” o “Sana all ___.”
SHERWIN: Sana all ay may malakas na internet connection, at sana all ay mayroong mambili ng for example, ng mga video conferencing applications kasi medyo limited ang features na ibinibigay ng free lang.
KARA: Sana all lahat ng questions and problems sa LAC sessions ay masagot at matugunan
KAY: Sana all can receive the support that they need through the Learning Action Cells, and when I say ‘support’ I mean the psycho-social-emotional support that teachers need at this time.
ZALDY: Sana lahat mabuhat. Sana lahat maisama.
[Habi Hour Outro Music]