Stories on how we might radically change the way we converse with people whose values and political views may be different from ours
Overview
21 January 2022 | 24 min and 45s
With the upcoming national elections in the Philippines, all of us have, one way or another, found ourselves in interesting conversations – perhaps some heated ones, and hopefully some healthy ones too.
Pero paano nga ba makipag-usap? Paano ba makipag-usap tungkol sa mga mainit na paksa tulad ng pulitika? Paano ba makipag-usap sa mga taong iba ang mga pananaw at paninindigan sa atin? Conversations, just like learning experiences, can be designed. Do you want to make sure someone has the right information about their candidates? Do you want to change someone’s mind about the kind of leadership the Philippines needs?
In this episode, we put together some tips on how to hold conversations from the KaKAMPInk sa Pakikipag-usap Training designed by Coaches for Leni, Facilitators for Leni, Psych for Leni, and HR for Leni in partnership with the Robredo People’s Council.
Ano ba ang hitsura ng pakikipag-usap na may radikal na pagmamahal? Healthy conversations are for everybody, and we’re happy that you’re here to listen.
—
If you would like to bring the webinar experience to your group, you may contact the Robredo People’s Council Secretariat through rpctraining2022@gmail.com
Transcript
Opening
[busy street sounds]
Jovi: O, sino manok mo sa darating na eleksyon?
Amiel: Ano ba ’yan? Change topic please! Baka mag-away pa tayo.
Jovi: Grabe. Away agad?
Amiel: Hardcore ka mangampanya eh. ‘Wag sa’kin. Respeto na lang.
Celina: Ngayon, paano kung ibahin natin ang paraan kung paano tayo nakikipag-usap?
[busy street sounds]
Jovi: Uy, pare! Kumusta ka na? Kumusta kayo ng pamilya mo ngayon?
Amiel: Okay pa naman, salamat. Kayo, kumusta, pare?
Jovi: Ito, buti na lang nakapasok kami for free check-up sa Bayanihan e-Konsulta, may symptoms kasi sina Papa at Mama eh last week. Nakakuha na rin kami ng COVID kits. Ang bilis nga napadala eh, buti na lang!
Amiel: Ayos ah, totoo pala yung free services na ’yan? Sakto kasi di ko talaga alam gagawin kapag tamaan kami ng COVID.
Jovi: Nakakakaba talaga, no? Gusto lang naman natin maprotektahan mga pamilya natin. Kaya nga inalam ko na talaga kung ano yung plano ng mga kandidato laban sa COVID.
Amiel: Hmm. Sige nga, kuwentuhan mo nga ko.
Celina (voice over): In the recent months, given the upcoming elections in the Philippines, all of us have found ourselves engaged in political conversations one way or another, directly or indirectly. And come to think of it, these conversations are such powerful learning experiences that can change minds and shape behaviors.
[light music]
As we inch our way towards the May 2022 elections, we are invited to pause for a moment and reflect on the way we converse, especially with those whose views may be different from ours. I’m Celina, a learning experience designer from Habi Education Lab. In this episode, we borrow snippets from the KaKAMPInk sa Pakikipag-usap Training organized and facilitated by Psych for Leni, Coaches for Leni, HR for Leni, and other members of the Robredo People’s Council.
O, teka lang! Don’t worry, this episode does not aim to turn us all into Kakampinks. Simple lang—healthy, intelligent conversations are for everybody and everyone is welcome here. We’re happy that you’re here to listen. Tara, usap tayo!
MUSIC: Habi Hour Intro
Celina (voice over): In Habi, we always talk about the importance of empathy in designing learning experiences. The teacher, the boss, or the friend whose advice you likely listened to are the ones who made you feel seen, heard, and understood. And when it comes to conversations, particularly political conversations, and our goal is to change the minds and behaviors of the people we converse with, we likewise need to make the other person feel seen, heard, and understood, for us to have any chance of getting through to them. ’Yung maramdaman nilang kakampi natin sila, kakampi nila tayo.
KAMPI Framework
Celina: In this episode, we will hear the voices of Dr. Gina Alampay-Hechanova, Serely Alcaraz, and Joey Pacheco, as they introduce us to the KAMPI framework, a framework that teaches us how we might change the way we converse.
Simulan natin. Paano nga ba makipag-usap ang mga tao ngayon?
[light guitar strums]
Serely: Hahanapin ng tao ang impormasyon na aligned d’on sa mga values nila, sa belief system nila, di ba? Kinakausap ang kapareho nilang mag-isip.
Ako, minsan, meron akong mga naririnig ako, hala, sa gitna ng kalye, debate talaga ’to! Ay, wala po talagang nananalo sa debate, friends. Ang gan’on d’on, unfriend! ’Yun ang mananalo doon. So kapag tayo po nakipagdebate, kasi, can you imagine po, kung meron ding nakipag-away sa atin tungkol kay, [laughs] di ba? ’Yung hardcore beliefs natin, lalo po tayong defensive. Lalo tayong maninindigan. Lalong, “HINDI!” Okay? “Siya talaga iboboto ko.”
Celina (voice over): Pero bakit ba mahalagang pag-usapan kung paano tayo makipag-usap tungkol sa eleksyon at pagboto?
Serely: Iba-iba talaga ang Pilipinong botante. And lahat tayo no, iba-iba. Hindi na puwede ’yung parang cookie cutter, na pare-pareho lang kayo. Hindi na siya one size fits all.
Kailangan iaayon natin yung mismong approach, yung mismong – paano ba natin – kasi parang may strategy, ano? Isa-strategize natin kasi depende kung anong uri ng botante ang kausap.
Celina (voice over): In the context of learning, we have come to understand that each of our learners have different beliefs, values, motivations, and aspirations. It’s no different from when we converse with voters. Each voter we talk to is coming from a unique context, and so we have to design a conversation that considers where they are coming from.
Serely: Bawal judgemental, di ba? Bawal judgemental. Dahil ba iba ang naiisip nila sa atin. Ang key doon, like ako meron din akong mga kaibigan, meron din akong mga kasama na doon sa kabilang kampo, right? “Huh? Anong nakikita ninyo diyan?” Pero ang maganda ay, hingang malalim. Okay. Saan sila nagmumula? Saan nagmumula, no? Saan sila nagmumula, ano yung motivation? Is it utang na loob? Kilala ko ba siya? May benepisyo ba ako diyan? O kasi friendship kami? Kaibigan ng officemate ng batchmate ko ang ganito? Alam niyo naman dito sa atin, di ba?
Celina (voice over): In Paul Adams’ book Grouped, he shares, “Our identities are constantly shaped and refined by the conversations we have. Our values were passed on from conversations with our family, community, society, country, church, and through our profession, and are continually refined by the people we spend time with.”
Now, think about the people you meet everyday. Your colleagues, your classmates, your family members, delivery riders, security guards, sales persons, market vendors, the bagger at the supermarket, the pharmacist who sold you your last paracetamol, your neighbor, etc. We all have so many opportunities to converse and so many opportunities to potentially influence other people to think deeply about where their votes go in May 2022.
Celina: Pero let’s be real. Hindi gan’on kadali ang makipag-usap lalo na kung mainit ang paksa tulad ng pulitika. So paano ba ang strategy natin ngayon sa pakikipag-usap?
[light guitar strums]
Serely: Ang magiging direksyon natin ay pakikipagkapwa. And itong pakikipagkapwa na ’to, ang foundation niya, radikal ang magmahal. Makikinig, magtatanong, makikipag-usap.
Gina: So paano nga ba makipagkapwa? Gumawa po kami ng isang framework for possible actions during a conversation that you might have whether it’s with family, with friends, with people na hindi ninyo kakilala.
Celina (voice over): Ngayon pag-usapan natin ang KAMPI framework.
Kumonekta nang personal
Alamin ang pangarap at pinahahalagahan at
Makinig sa kanilang sinasabi… maaari rin na
Pagtibayin kung ano ang pinahahalagahan nila
Ipababatid ang dahilan sa pagsuporta kay Leni at imungkahi ang mga susunod na steps, o Ipabatid ang dahilan sa pagsuporta sa kung sino mang kandidato ang gusto nating isulong.
Now let’s go through the KAMPI framework together with Gina, Serely, and Joey!
Kumonekta nang personal
[light guitar strums]
Gina: So una ’yung K – Kumonekta nang personal. Lalo na kung hindi natin kilala sila. Magpakilala po tayo, kumustahin. Small talk. Magaling tayo sa small talk, mga Pilipino. Maghanap tayo ng mga bagay na meron tayong commonality. Hanapin natin kung saan iisa ang diwa natin. ’Yung ganyang klaseng relationship, mahalaga yan.
Celina (voice over): In a learning context, ito yung tinatawag na establishing rapport or building relationships. Dahil ang bawat estudyante, tao muna ’yan eh, bago maging estudyante. At ang bawat botante, tao muna bago botante. Kaya K – Kumonekta nang personal.
Alamin ang pangarap at pinahahalagahan ng kausap
[light guitar strums]
Celina: Sumunod A – Alamin ang pangarap at pinahahalagahan ng kausap. Bakit nga ba hindi na lang natin basta i-push na lang natin ’yung kandidato natin?
Gina: Because especially when they are leaning towards another candidate, it might become a debate between who’s better. “Hindi, mas okay ’to eh. Mas okay siya.” Pero ang gusto kasi natin na magiging usapin ay, “Ano ba yung values niya? Ano ba yung pangarap niya?” Because when we know where they are coming from, alam natin kung anong klaseng impormasyon ang mahalaga sa kaniya. So we can ask questions like, “Ano sa tingin ninyo ang nangyayari sa bansa natin?” Or, “Ano ba ang pinapangarap mo?” Or “Ano ba ang tingin mong kailangan para sa susunod na pangulo?”
When we ask questions like these, we open the door to finding out kung saan sila nanggagaling, anong mahalaga sa kanila, and we don’t put people on a defensive na, “Eh bakit siya?” Di ba? We veer away from debating the qualities of one candidate versus another and steer the conversation towards values.
Makinig sa kanilang sinasabi
[light guitar strums]
Celina (voice over): And throughout a conversation, we are reminded to listen. M – Makinig sa kanilang sinasabi, hindi yung tayo lang yung papakinggan nila.
Gina: ’Yung ang alam ng tao na nandiyan lang tayo para mangampanya, para mag-sales pitch, baka hindi rin sila makinig sa atin. Pero kung alam nila na taos-puso tayong nakikipag-usap sa kanila at nais talaga nating malaman kung saan sila nanggagaling, baka maging bukas sila.
Marami akong kuwento ng mga kaibigan na merong mga pamilya na halimbawa, kapag nag-uumpisa na yung debate, isha-shutdown na lang sila at sasabihin, “Respeto lang! Respeto lang!” And that happens because it now becomes a debate, right? Who’s right and who’s wrong. Kaya sobrang halaga na makinig tayo. Makinig tayo na ipapakita natin na gusto talaga nating maintindihan kung saan sila nanggagaling.
So paano ba tayo makikinig? Actually, maraming paraan. Una, gusto natin na kapag nakikinig tayo, titingnan natin sila sa mata. May eye contact tayo, at sana itabi natin kung may ginagawa tayo, itabi muna natin ’yung mga telepono, para talagang it becomes a conversation.
Celina (voice over): Bukod sa pagbibigay ng atensyon, puwede rin tayong gumamit ng verbals and non-verbals.
Gina: “Ah talaga? Ganon? Talaga po? Siya nga.” And then puwede din ’yung pagtungo, di ba? Puwede din yung non-verbals. Nodding, para pinapakita natin na nakikinig tayo. At gusto din natin kung nakaupo siya, baka gusto natin na umupo na rin para hindi tayo ’yung mas mataas ’yung nibel sa kanila. So papantayan natin. Kung nagta-Tagalog sila, Tagalog din di ba? Kaya maganda ’yung same dialect ’yung nakikipag-usap sa atin. At siyempre, ’yung bukas na body language. ’Yung hindi naka-cross hands. Nakabukas lang! Nakikipag-usap lang tayo na walang tensyon. Ayaw nating makipag-away.
Joey: Alam niyo minsan we overestimate our ability to listen. But importante na nakikinig tayo. It makes the person we’re talking to feel good about the conversation. Importante ’yun. ’Yung feeling niya, importante siya. Opinion niya, pinakikinggan natin. Equals tayo. People like to be respected and one of the best ways to show respect is by listening and listening well. Napakaimportante ’yan.
Gina: So paano nga ba talaga ’yung makinig? Una, we can try what we call mirroring or reflecting the content. So kapag sinabi niyang, “Ang gulo gulo!” Puwede mo nang ibalik ’yung words themselves. Or puwede din naman ’yung pakiramdam mo, ilabas natin o mag-empatiya tayo sa nararamdaman. So kapag sinabi niyang, “Oo nga hindi ko na alam kung anong iisipin ko.” So puwede nating sabihin, “So naguguluhan kayo?” Or puwede tayong magtanong. So kapag sinabi niyang, “Hindi ko na alam kung anong iisipin,” puwede tayong magtanong, “So ano po ba ’yung, saan kayo naguguluhan?” Right?
Or minsan meron tayong pagkakataon na, may mga botante kasi na ambivalent pa. ’Yung parang gusto ko pero parang ayaw ko din. So meron tayong ituturong strategy. Papaano ba nire-reflect ’yung ganiyang klaseng ambivalence? So example, example tayo. So kunwari sinabi ng botante, “Bakit ako boboto eh wala namang pagbabagong nangyayari. Nakakapagod na.” Kapag sinalamin natin ’to, “Ah, napapagod ka na.”
Celina (voice over): People feel listened to when we mirror or reflect what they are saying. But they also feel listened to when we empathize with them—isang bagay na lagi nating sinasabi sa Habi.
Gina: Same sentence ha? Pero ito naman, pag-empatya. “Bakit ako boboto eh wala namang pagbabagong nangyayari?” Ano bang pakiramdam? Ano kayang pakiramdam ng taong to?
Joey: Frustrated.
Gina: Frustrated, tama. So, “Nafu-frustrate ka na.”
Celina (voice over): Puwede rin nating iparamdam na nakikinig tayo sa kanila sa gawa ng paglilinaw ng kanilang sinasabi at pag-highlight ng mga positibong komento nila. May mga halimbawa para sa atin si Serely.
Serely: “Masipag naman ’ata si Leni pero hindi ako sigurado.” “Bakit mo nasabing hindi ka sigurado? Masipag naman ’ata si Leni pero alam mo kailangan natin, kamay na bakal.” Narinig niyo na ba ’yun? Right? So papaano ito?
“Ah, so sa tingin mo, wala siyang kamay na bakal, pero nakikita mong masipag siya.” Di ba? Na-gets ninyo ha, paraphrasing. Paraphrase lang natin.
Kasi diba minsan “Huy bakit? Akala mo ba may kamay na bakal ’yung isa?” Gan’on. Di ba? ’Yung magkokontra ka na. Ay naku! Away na po talaga ’yan. Kaya tayo, listening. Kaya makinig. And paraphrasing. Kasi minsan iba rin ang dating kapag nadinig nila ’yung dating ng statements nila.
Celina (voice over): Maraming paraan para ipakita na tayo ay nakikinig: paggamit ng verbals at non-verbals, pagre-reflect ng sinasabi nila, pag-empathize, pagklaklaro, at pag-highlight ng mga positibong komento nila. At kung nag-aalala kayong ang dami naman para tandaan ang mga ’to!
Joey: Huwag nating i-box at saka hindi naman importante na sundin natin ito in order or lahat ito gagawin natin. Ang importante lang ay ang sinsero na pakikinig. At lalabas ’to. Tatango ka, sasabihin mo, “Ah, ’yan ang nararamdaman mo. Anong ibig mong sabihin nang sambitin mo ito?” Alam mo, you’ll realize that it becomes very natural, very conversational. You don’t have to use all 4 styles.
Pagtibayin ang kanilang pinahahalagahan
[light guitar strums]
Celina (voice over): Sumunod ay P – Pagtibayin ang kanilang pinahahalagahan, at dito magandang ipaalala sa sarili, “Madali ang makipag-debate, radikal ang magmahal”.
Serely: Empathize, tapos pahalagahan na meron rin silang sariling perspective. Hindi lang – yung parang – diba minsan yung feeling na hindi lang tayo ang tama, diba?
I-validate, pahalagahan. And then, kung meron nga silang agam-agam, meron tayong kapasidad, alam natin, may impormasyon din tayo, kung paano tayo tutugon at mapagtibay. So we can actually answer.
So ipabatid ang dahilan bakit si Leni. So kuwento mo ito. It can be your own Leni-Kiko story. Pagdating dito, ibalik natin, ibalik natin sa personal nating experiences. Kasi rather than, “Heto, heto ’yung mga YouTube. Panoorin mo ’yan,” ay patay! “Ito ang pamphlet.” Ikuwento mo ’yung angle kung saan ka, ano ’yung mga nakikita mo, kaya whether naging kaibigan to at lahat, bakit siya? Bakit siya? And lahat tayo, we all have our stories.
Ipabatid kung bakit siya ang kandidato mo at imungkahi ang susunod na mga hakbang
[light guitar strums]
Celina (voice over): Mahalagang bukod sa personal stories tungkol sa mga kandidato natin ay mayroon tayong factual information na maibabahagi sa kausap. I – Ipabatid kung bakit siya ang kandidato mo at imungkahi ang susunod na mga hakbang.
Pero teka, paano kapag nagkainitan pa rin ang usapan?
Joey: “Saang mundo ka ba galing? Bakit TikTok University ka ba?” ’Yun ang madaling sabihin, hindi ba. Anong mangyayari? Magagalit sa’tin. Can we sway people when they are angry? Of course not!
Ang tandaan lang ninyo, kapag may objection ay, sinabi ni Serely, huwag makipag-away, kasi nakipag-away, they will dig in. They will strengthen their position and we will not win, we will not sway him into our camp if he digs in. Lalong nasi-strengthen eh, kasi opposite na kayo. Magkaaway kayo. You are on two different sides. That’s the worst thing that can happen.
“I understand how you feel.” English version muna ‘to, ha? English version. “Naiintindihan ko ho ang inyong nararamandaman.” Ano ang nagiging immediate feeling niya? “Ah, okay. Aba, kakaiba to ah. Hindi ako kinokontra.” In fact we will make him feel even better by saying, “Alam ninyo, some people also felt that way before.”
Remember, you don’t have to pull someone down to raise someone up.
Serely: At the heart of everything we’re doing, may respeto. Kasi di ba? Kaya nga di ba naririnig niyo ’yan, favorite word nila ’yan, “Respect!” Okay, ang kanilang opinyon. Hindi naman din kasi sila ang kalaban. Iba lang ang kanilang pananaw.
Synthesis
Celina (voice over): O wag kayong mag-alala, irereview natin together.
KAMPI
Kumonekta nang personal
Alamin ang pangarap at pinahahalagahan
Makinig sa kanilang sinasabi
Pagtibayin kung ano ang pinahahalagahan nila, at huli, saka natin
Ipababatid ang dahilan sa pagsuporta kay Leni, o kay Kiko, o kung sinumang kandidato ang sinusuportahan natin, at imungkahi ang mga susunod na hakbang
[light music]
Gina: Ako parati akong tinatanong, ito bang KAKAMPI framework, saan ba ’to puwedeng gamiting and I will be honest. This was really made for a conversation. Kasi tinanong ako, “Puwede mo bang gamitin to in 2 minutes?” Parang hindi naman ata meaningful conversation ’yung 2 minutes. So this framework that we’re teaching was made for a conversation. Medyo iba ang approach sa social media na comment comment lahat kasi hindi meaningful yung dialogue. Ito ginawa to dialogue. At kaya rin namin tingin na mahalaga ’to kasi hindi mo naman mapapalitan ’yung isip ng tao sa isang komento lang. The only way we will be able to help them out, help change their minds is through a meaningful dialogue.
Ang ibig sabihin nito, importante na we really go out of our way and talk to people, which is not easy, ha? Kasi ako, introvert ako, so ang tendency ko is hindi ako mahilig mag-chika sa hindi ko kilala. Pero ginagawa ko na rin, para lang kay VP Leni, ’yung kahit sa stranger.
MUSIC: Habi Hour Outro
Celina (voice over): For sure, meron tayong mga nakasanayan o kumportableng pamamaraan ng pakikipag-usap. “Ganito talaga ko eh,” o “Ang hassle naman niyan! Di ko kaya yan.”
Ang KAMPI framework ay isang paalala para sa ating lahat na, sa gitna ng mga pagkakaiba-iba ng mga pananaw at paninindigan natin, malayo ang mararating ng pakikipag-usap kapag ginamitan ng radikal na pagmamahal.
Conversations are learning experiences that have the power to change minds and shape behaviors. Nasa kamay natin eh! Kaya natin. Ikaw, kanino ka makikipag-usap mamaya? Whose life will you touch today with a good conversation?
Again, I’m Celina and we are Habi Education Lab. We stand with those who design better futures with us.
Celina (voice over): This episode was written and produced by Habi Education Lab. Our music is by Howard Luistro.