Conversations on how childhoods and life experiences inspire us when designing for families and homes
Overview
13 November 2020 | 50 min and 39s
Aside from the Habi ANIMersary (6th year!) celebration, November is extra special for us because we are also celebrating National Children’s Month. In this episode, we come together to wrap up a 5-month long design project for families, homes and young children. We talk about how our childhoods and life experiences have inspired the way we design for families and homes. Kayo, ano’ng hugot nyio? Tara, kuwentuhan tayo!
Transcript
Introductions and Check In
[Habi Hour Intro]
CELINA: Hello, nandito na naman tayo sa isang episode ng Habi Hour. Muli, magpapakilala muna ang mga nandito sa episode na’’to. Una, ako si Celina, isang Learning Experience Designer at isang preschool teacher. Papasa ko naman sa isang kakilala na ninyo, si JPaul.
JPAUL: Hello, magandang araw sa ating lahat. Ako si JPaul, isa rin akong Learning Experience Designer at isang traveler. Kasama rin natin ngayon si Lacey.
LACEY: Hi! Ako si Lacey! Isa rin akong Learning Experience Designer at mahilig akong kumain! At nandito rin si Mitzi.
MITZI: Hello! Ako naman si Mitzi, isang Learning Experience Designer at isang komikera.
CELINA: Alright, so tulad nga ng narinig niyo, ang nandito nga sa episode natin ay ako- si Celina, si JPaul, si Lacey at si Mitzi. Kami ay mga Learning Experience Designers mula sa Habi Education Lab.
Ngayon, kaya medyo marami rami tayo sa episode na ‘to, apat ang nandtio, kasi kami ay magkakasama sa isang proyekto na kakatapos lang. Sa Habi kasi, mayroong practice na kapag nagtapos ang isang project, talagang umuupo kami para magreflect or magnilay nilay tungkol dun sa mga nangyari sa project. Naisip lang namin na, “Uy, magkuwentuhan tayo. More than ‘yung ginagawa nating usual closing, magkuwentuhan tayo! ” And we want to share our stories with you also! So, inimbitahan ko sila para sa episode na ito.
Ang check in natin ngayon ay ano ang isang laro o laruan na bumubuo ng kwento ng childhood mo? Any game or any toy that tells us a story of your childhood.
LACEY: Sige, may naisip na ako. Ito talaga yung parang tumatak sa childhood ko kasi kasabay ko ring lumaki ang aking mga kapatid. So tatlo kaming babae at tig-isa isa kaming merong Polly Pocket, Sa Polly Pocket na iyon, nakakapaginteract kami, nakakapag-create ng scenarios dahil iba- ibang bagay yung mga Polly Pocket namin.
MITZI: Ako, una kong naisipa talaga- sketchbook. Hindi siya talaga ‘yung typical na laruan mo pero mahilig talaga ako magdrawing nung bata. At parang iyon lagi ang hinahanap ko kapag pumupunta kaming National. Bumibili ako ng mga coloring materials tsaka sketchbook kasi gusto ko talagang magdibuho. Hanggang ngayon, nasa akin parin ang paglilikha.
CELINA: JPaul, uunahan kita.
JPAUL: Sige, go.
CELINA: Kasi napansin ko, lagi akong last na nagchecheck- in kapag ako nagho-host.
JPAUL: Sige, para maiba naman!
CELINA: Akin naman is a game. Ang tawag sa kanya ay “Chick Chick Eri Toink”. Malamang hindi familiar, di ba?
LACEY: Ano yun?
CELINA: I would think hindi familiar because exactly ganun ‘yung childhood ko. We did a lot of imbento na games. So kung nakikinig yung pinsan ko ngayon- shout out! Joke lang! Chick Chick Eri Toink is a game he invented. Andun kami sa garden ng Lolo namin tapos humahakbang kami mula sa isang bato papunta sa isa pang bato nang nakapikit. Wow! Dangerous! Kapag lumampas yung paa mo dun sa bato, kumbaga parang yung sa news paper dance kapag lumabas yung paa mo, out ka na. Kasi di ba nakapikit ka nga dapat na hahakbang. Chick chick! Tapos sasagot yung tumitingin ng mga paa, “Eri Toink!”. Sasagot siya kung pasok siya. My childhood, very [inaudible] siya.
LACEY: Ganun pala ‘yon!
CELINA: Ikaw, JPaul?
JPAUL: Nung bata kasi ako, mahilig akong mangalikot. So mahilig ako sa mga laro o laruan na meron akong binubuo o ginagalaw. Halimbawa ‘yung paglalaro ng Lego o pagbubuo ng saranggola. Saranggola namin dati, hindi namin binibili, as in kukuha kaming dyaryo at mga walis tingting. Pero ‘yung pinaka- highlight siguro sa’kin, andami ko sigurong mga maliliit na kotse o robot. Kinalas ko kapag medyo sira na sila kasi gusto ko makita kung ano ang loob. Saan nakakabit ang battery? Anong itsura ng machine o engine nito? Ah okay, katulad lang pala ng isa pang robot na binuksan ko, iba lang yung nakakabit na gears. Ang gagawin ko, bubuoin ko ulit pero ibang itsura na siya. May isang time, kinabit ko siya sa braso ko, kunwari robot ako. Feeling ko ang cool ko nung bata, para akong cyborg. Nagbabike ako sa’min, may suot ako na cyborg na motor.
CELINA: Nice! Sa mga check-in natin anlakas ng message of feeling of creative as children. Nakakatuwa naman. Maraming salamat sa mga check in natin. Tulad ng dati, hindi nalalayo sa magiging usapin natin today ‘yung pagkukuwentuhan natin today.
What is your background on designing for families, parents, homes, and young children?
CELINA: Bilang context, kanina kinuwento ko sa inyo na ang grupo naming ito, kaming apat, kakasara lang ng isang project kung saan ang users or the people we were designing for are actually families and homes. Kapag sinabi nating families, this involved parents, caregivers and very young children. Andun tayo sa mga hanggang three years old, ganun kabata.
Gusto kong tanungin ang grupo natin ngayon- ano ba ‘yung background natin kahit individually when it comes to designing for a similar group, whether it’s family, parents, homes and young children.
LACEY: Sa’kin, when designing for children,from my previous job as a public and private school teacher, yung mga lesson plan. Ang handle ko nuon mga primary grades, not necessarily 0 to 3 pero young children like grades 1 to 4.
MITZI: Ako, when I was in college, I used to be a part of illustrating for textbooks pero hindi for early childhood, for gradeschool. Then after college, I was able to illustrate storybook for kids naman, ‘yun ‘yung mas bata, for early ages naman.
CELINA: Uunahan kita. Yung background ko, alam niyo rin ‘to, early childhood. Yung inaral ko- undergrad, masters. I was an early childhood teacher prior to joining Habi. Sa pagtuturo sa kolehiyo, iyon din ang tinuturo ko- early childhood. Ikaw JPaul, this is it. It’s your turn.
JPAUL: Wala ako masyadong experience with very young children pero yung masasabi ko kong similar sa ginawa nating project ay yung engagement ko with parents. Dati kasi akong nagturo ng NSTP sa isang university. At syempre dahil dadalhin namin sa komunidad yung mga studyante namin, kailangan kong mag-orient ng mga parents na, “Mga nanay, mga tatay, ganito po, may mga dadating pong mga studyante, ganito po ang kailangan nating gawin. ” Paano pumunta sa community at bigyan sila ng briefer sa pagpunta ng mga estudyante, pero syempre formal ‘yun. Kailangan mo paring intranslate into something na (1) natural sa’kin bilang NSTP formator at (2) ano ang swak sa konteksto nila.
CELINA: Ang galing, parang iba-iba talaga tayo ng mga pinagmulan. Iba- iba ang background natin. I guess si Lacey at ako na ang mas similar ang background na school context in terms of working with children and their families. Mitzi did a lot of illustrator roles in college pa lang. Si JPaul naman, mas sa parents – side naman in his previous NSTP work.
How different was the experience of designing for families and homes in our recent project from your previous experience?
CELINA: Relating or comparing all our experiences, how different was that experience of designing for families, homes and children now from previous work that you’ve done?
MITZI: Dito sa team natin, iba iba talaga ang skills and strengths na ating binigay for the project. We have unique set of skills. Nakakatuwa na makita mo talaga as a whole yung ginawa natin. For example, ako nag-illustrate ako. Tas kayo, nina Lacey, JPaul, you wrote modules. Seeing them together and knowing the goal is for caregivers, children, ‘yun ‘yung nakakatuwa isipin.
CELINA: What I get from that is from before you illustrate and that’s your part of the work, pero now mas holistic.
MITZI: Yes mas holistic, mas nakikita mo na yung effort. Joining ideas together, different skills and contexts, experiences. Making something uniquely different, I would say.
LACEY: Ako naman, ang nakita kong difference sa mga ginagawa kong lesson plan with this is yung intentionality niya. Ang gagamit talaga ay parents and caregivers na nasa mga certain barangay na maaaring walang access sa mga iba- ibang references. Ang nakakatuwa sa experience na ito, dahil isa tayong grupo, mabusisi yung proseso ng pagbasa, pagsulat at pag-edit ng nilalaman ng module at illustrator para talaga swak sa ating users ang material. Gusto natin kapag tayo ay nagdedesign, may puso talaga. ‘Yun yung naramdaman ko dito. Matindi yung intentionality ng design for our target users.
JPAUL: Ako, susundan ko yung sinabi ni Lacey tungkol sa pagiging intentional. Ang pinaggagalingan ko medyo matagal na rin kasi akong nagdesign or nakipagusap sa parents and children. Kumbaga yung experience ko nitong huling 2 o 3 taon, puro teachers, formal setting, minsan may konting corporate. Iba yung approach sa kanila. Parang mayroon kang alam na dahil teachers sila, ito ang skill set nila. Kapag sinabi ko ito, mayroon kaming common language. Pero kapag families, una baka hindi ako familiar kung ano yung common language na tinutukoy. Kapag sinabi ko ba ito, pareho ba kami ng intindi Pag-aalaga ng bata- pakainin mo lang, alaga na. ‘Yung iba may onting yakap, may onying lambing. Pangalawa usally kapag teachers galing sa isang school, medyo ieexpect mo na magkakapareho sila ng alam, same level. Pero ito parents, andami kasi e. Ako bilang tatay, karamihan ng knowledge ko, from experience din. Nakuha ko siya from different places, sources. Feeling ko yung parents na pinagdedesign-an ganun din. Baka itong practice na ito narinig niya sa nanay niya, sa magulang niya, sa kapitbahay, pero magkaiba sila. Kailangan ng onting intentionality, yung sinasabi kanina ni Lacey. Pagkatapos nila dumaan sa dinesign natin, nasa same level, narating natin yung gusto nating maachieve.
CELINA: Yung narinig ko na intentionality, I guess, it’s very linked with what Mitzi said earlier also about how this is extremely collaborative. Admittedly, among the four of us, si JPaul ang pamilyado sa’tin, ang tatay. There were really times, even as an early childhood practitioner, I would have that impostor syndrome na parang di naman ako nanay o pamilyado. And I medyo preaching ba, how to parent , how to rear your child. There were days na talagang I would feel so bad about it. Parang wag ko na lang gawin, I don’t deserve it. I guess na-kocombat ko ito with that whole idea of our design being collaborative. I may not be a parent yet, pero that’s the value of having a team. More than just our team of four, we really go outside when we design. We talked to parents, we asked our users. Our designs being collaborative, hindi rin siya tayu-tayo bilang learning experience designers. In reality, nakikiambag yung mga users natin when we design for them.
What were your favorite topics among those included in this project?
CELINA: That particular project was a five- month project. It covered so many different topics also. Meron ba kayong favorite o napusuang paksa dun sa mga nasulat or na-illustrate natin?
JPAUL: Naalala ko andami.
MITZI: Madami talaga.
LACEY: Favorite ko talaga yung mga activities na sinuggest at sinulat natin para sa mga iba’t ibang edad ng mga bata. Favorite dahil tinry ko yung activities. Nung binasa ko siya, tinry ko rin. Natuwa din ako. Nung bata kaya ako, ginawa ko ba to, baka hindi naman sa’kin to tinuro. Ang saya lang.
CELINA: Activities, games. Kakaiba e.
LACEY: May mga kanta pa nga eh.
CELINA: Some classic songs, yung Itsy Bitsy Spider, alam natin ngayon na may Filipino version, maliliit na gagamba. I didn’t know that when I was younger. Kayo, JPaul? Mitzi? What were your favorite topics?
MITZI: Yung taking care of one’s self as a caregiver, parent. I didn’t know na it’s also part of designing for families and homes. You really got to take care of yourself, hindi lang puro bata. Essential ang ating health kasi it will also influence how we nurture and raise our kids.
CELINA: Yang usaping self care na ’yan, in a previous episode, Strong Start naman, kung saan pinag-uusapan natin duon ang teacher wellbeing, naalala ko isa ‘yun sa mga sinabi ni Raqs na for teachers “you teach who you are”. Kung sino ka, iyon ang binibigay mo. With what you just shared about the importance of self care for parents, also. It’s kind of the same thing, na ibibigay lang natin sa mga bata, anak, kung ano yung meron tayo at sino tayo. I agree with you there, for me din. The fact that we started with that topic, taking care of yourself, bago puro palabas. That’s one of my favorite parts also. How about you, JPaul?
JPAUL: Ako naman, palabas yung favorite ko. Naglagay kasi tayo ng gender fair language and gender neutral themes. May isang part tayo na kapag ang anak niyong lalaki ay gusto maglaro ng chinese garter o jackstone, hayaan niyo lang. Kung yung anak niyong babae gusto magkotse-kotsehan at magdungis sa labas, hayaan niyo lang. Feeling ko very relevant yun ngayon lalo na sa context ng Pilipinas kasi maraming parents na oy panlalaki yan, oy babae ka ba bakit ganyan yung nilalaro mo? Tingin ko parang di naman nakakatulong talaga sa mga bata. Nung sinusulat natin at nirereview yung bahaging iyon, medyo naalala ko may dalawa akong kapatid na babae, mas bata sa’kin. Sa bahay, mas maraming laruang pambabae, kumbaga. May mga times na nakikipaglaro ako sa kanila. Manimanika din, paper doll na ginugupit tas bibihisan sila. Maswerte ako yung mga magulang ko bukas naman dun. Pero growing up naalala ko, marami akong na- encounter na parents na hindi ganun kabukas. The mere fact na meron tayong ganung klaseng messaging at ang target nating babasa nun ay mga parents sa medyo far- flung areas, para sa’kin powerful.
CELINA: Super agree. This particular design project that we did, I would describe it as very progressive. Pagdating dun sa mga mindsets, messages. As one of the content writers, gumagawa ka ng mga scripts sa sinasabi ang mga salitang iyon na kadalasan nagkakaron tayo ng konsepto na kunwari- ang mga batang lalaki ay mas malillikot kesa sa mga batang babae. I would catch myself also na I grew up believing these things also, as a child. Yun yung medyo gusto kong tanungin sa inyo ngayon. Kasi some of those progressive messages and mindset, aside from JPaul mentioned about gender fairness, the idea of positive discipline, inclusive practices.
How would you compare these progressive mindsets with how you were brought up?
CELINA: How would you compare that to how you were brought up? Growing up, what your parents would say, what your parents believed in, compared to this. Itong messages na kinukwento natin through our designs.
MITZI: When i was working on the materials, illustrating them, subconsciously, hindi ko talaga sinasadya, for example in activities like cooking or cleaning, I would draw female characters. Na-point out na male caregivers can also do the cleaning and cooking. Growing up we have this notion na mothers are the ones who are able to take care of their child. It’s not always the case. Gumising sa’kin itong design project design na ito. Oo nga naman, we are not in a binary world right now. Everything can be shared. Gender equality is sobrang open na rin ngayon and we are still continuing to fight for it.
CELINA: We are witnesses to that. Yung mga unang draft natin, tas makita mo yung final – wow!
LACEY: Nagluluto narin si tatay, ganun na sa illustration.
CELINA: Or naglalaro si lolo at baby.
LACEY: More on dun sa thinking na ang paglalaro ay mapupulutan din ng aral. Naaalala ko nung bata ako, sobrang hiwalay yung paglalaro sa pag-aaral. Parang di ko narinig, siguro sa positive discipline ito, yung nanay ko nuon o yung yaya ko na may matutunan tayo sa paglalaro nito. Para sa kanila, naglalaro lang talaga ako. Nung gradeschool ako, meron kasi akong tutor, pag tutor time yun yung time na nagaaral ako. Kapag naglalaro ako, nagbabike around sa village kasama mga kababata ko, syempre wala naman nagsasabi sakin na nahahasa na pala ang pakikipagusap, conversations. I-encourage na may social skills si batang Lacey. Siguro walang ganung messaging. Ngayong nagawa nating ang proyektong ito, m as malakas kumbaga ang mensahe na iyon na lahat ng bagay o activities ay kapupulutan ng aral kahit conversation yan with a playmate or simpleng laro. Kulang nung panahon ko ng mga ganung mensahe. Yun ang napansin ko.
CELINA: The concept of play na it’s not separate from learning. The design we did, talagang it was promoting play. Play as the occupation or job of children and it’s their right also. JPaul, ikaw?
JPAUL: Nag-agree din ako dun, kasi naalala ko dati, puro ka laro. Mag-aral ka na lang or review. Parang naconscious na ako nung bata na may natutunan ako sa pagvivideo games ko. Yung kaibahan nung sa pagpapalaki, ito feeling ko maraming magulang tsaka baka maraming dating bata na makaka-relate dito, patungkol nga sa positive discipline, kasi talagang common yung corporal punishment dati. Kapag may ginawa kang mali o naglikot ka. Ako di ako nakatakas sa mga lumilipad na tsinelas, palu- palo, sinturon. Dito nga sa ginawa nating project sinasabi natin na ang bata, nakakausap siya, nakakaintindi. Pwede naman natin silang kausapin at ipaunawa kung ano ang ginawa nilang mali. Kung hindi man nila maintindihan kung ano ang ginawa nilang mali, kaya nating ipaunawa kung ano ang gusto nating gawin nila, ano ang expected behavior. At hindi natin kailangan pagresult sa pananakit hindi lang physical pero yung pagsigaw, pagthreaten, paninindak. Although growing up medyo nakakarelate din ako, lalo na nung mga teenager na ako na baka madali kasi para sa kanila. Baka nung lumalaki sila, wala silang ibang model, walang nagsabi sa kanila na pwedeng kausapin mo lang yung anak mo. Acceptable kasi yung kumare ko, namamalo rin. Pero ngayon, nagbabago na rin, same with gender, how we look at play. Nagbabago decades na rin e. Masaya.
CELINA: Madaming memes dyan e, batang 80s o 90s ka, kung alam mo kung alin dito ang pinakamasakit. May objects sa picture- ruler, tsinelas, hanger, sinturon, pero minsan may patpat e, stick level. Kapag nakikita ko iyon, tawang- tawa lang din ako kasi hindi ako nalalayo sa’yo, JPaul, sa experience na yan na nahataw na rin ako ng tsinelas. Alam ko na yan as a child, minsan nautakan ko narin naglalagay ako ng kutson kapag alam mong may paparating ng palo. Right now natatawa ako e. I remember how we talked about the negative effects. When we talked to parents right now bakit parin sila namamalo or why they use corporal punishment, a lot of them actually say na kasi ganyan kami pinalaki. Or ginagawa rin ito ni person. With that argument na kasi okay naman ako. Dati pinapalo din ako ng magulang ko tas lumaki naman akong okay. In reality, in our design, we talked about that, andami niyang manifestation sa emotional at social development ng isang bata. These things really manifest later on in adulthood. Makikita mo how there can be mistrust, mababang self esteem, kawalan ng self-confidence, poor social skills. All these things in adulthood, dun sila nagsho-show.
Sobrang fresh, sabihin natin a few days ago lang, an adult in the family, meron akong pamangkin na mag1 year old pa lang siya, di pa siya nagsasalita, nagti-teeth siya ngayon, so kinakain niya lahat ng bagay. Meron siyang libro na kapag binasa mo, lumalabas yung kulay. Narealize namin ng mama niya, ng kapatid ko na hindi naman iyon ang intention na kagatin yung buong libro para magkakulay. Syempre panligo yung libro na yun. Para makapagbasa basa siya, kunwari habang naliligo yung bata. Tas nagcomment yung adult sa family namin na bakit kailangan ng libro, hindi naman siya marunong magbasa, wala pa ngang 1, di pa nagsasalita yung bata, di naman nakakaintindi ‘yun. Imagine nasa kasagsagan tayo ng pagsusulat tapos narinig ko yun. Is this a moment to bring out?. Nagkaron ako to acknowledge na marami naman talagang bagay na hindi mo talaga siya mauunlearn nang biglaan. Unti unti, even with introducing these mindset, messages na a lot more progressive than what we’re used to. Di siya kayang biglain. I’m just lucky to find myself in those teachable moments with my own family. Now na ang konteksto ko ay hindi lang ako basta preschool teacher, I’m also a tita, we have a baby in the family. Having to write these modules and content was a gift talaga.
Trivia time! Share some trivia you learned in this project
CELINA: Alam ko na tayong lahat, it seems like marami tayong natutunan dito, not just design skills but also knowledge, new concepts or updated information about parents, families, homes or child rearing in general. Magkakaroon tayo ng onting game ngayon- trivia time! Alam niyo ba na…
JPAUL: Alam niyo ba na mahalagang alagaan ng caregiver o magulang ang kanyang sarili? Take care of yourself first before you take care of others.
MITZI: Alam niyo na na kahit yung simpleng pagyakap mo lang sa iyong anak ay isang ehersisyo o paglalaro rin? Kung paano nyo alagaan din ang sarili niyo at inyong anak.
LACEY: Alam niyo ba na kahit less than one year old pa lang ang inyong anak ay pwede niyo na siyang paglaruin? At hindi naman kailangan gumamit ng mga bagay na nabibili agad sa mga department store. As in kahit yung mga ulap lang, pagtingin sa kalikasan o kaya yung simpleng paghaplos sa kanyang daliri ay isang form na ng paglalaro.
JPAUL: Alam niyo ba na hindi kailangang maging magastos ang pagkakaron ng laruan? Mga kaldero sa bahay pwedeng gawing tambol. Mga malinis na tela pwedeng laruin ng bata. Basta malinis at walang matutulis. Rattle o shaker, mga bato lang yan sa loob ng bote na gamit na. Di kailangan gumastos, kailangan lang maging creative.
CELINA: Alam niyo ba na ang mga usaping pag-aalaga sa bata ay hindi lang natin dapat binababa sa mga magulang. Ang narealize ko dito sa design na ito na it’s for families. Lalo na sa Filipino families, it’s a very common practice na may extended families living with us at home. It’s not enough to just talk to the parents of the child. Talagang pati yung other caregivers- ate, kuya, lolo, lola, tito, tita, o kapitbahay. Talagang it’s about educating the entire family, not just moms or parents.
LACEY: Alam niyo ba na kasali sa pagbibigay pagmamahal at pagaalaga sa mga bata ang pagbibigay ng sapat na pagkain? Bilang mahilig din akong kumain as in, kailangan pinapalano din ang pagkain para sa kanila para swak ang nutrition.
MITZI: Alam niyo ba na matalino din ang mga bata? kahiit 0 to 3, 0 to 6. Wag niyong maliitin ang kanilang pagiging musmos. Mayroon silang likas na kakayahan para maging bukas sa mga experiences.
[Habi Hour Outro]